Dear You,
Akala ko hindi na naman kita makikita. Nawawalan na ako ng pag-asa, e. Buti na lang at nakita kita kanina. Tatabi sana ako sa iyo pero naunahan ako ni Nanay kaya sa harapan mo na lang ako umupo. Sinubukan ko ulit na tingnan 'yung ID mo, hindi ko pa rin na aninag kung ano ang pangalan mo. Sana naman sa susunod makita ko na, kahit sana naman first name mo, ipakita mo na sa akin.
Bagay pala talaga sa iyo ang all white na uniform. Kanina lang kita natitigan habang natutulog ka sa byahe. Ang cute mo habang natutulog, hindi nakabuka ang bibig mo. Pagod ka ba? Muntikan ka na kasing lumagpas sa school natin dahil sa sobrang tulog mo. Buti na lang at tinapik ka noong katabi mo. Ako sana, e, naunahan lang n'ya ako.
Nagmamahal,
Me
BINABASA MO ANG
Dear You, (Nagmamahal, Me)
RandomNaranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo pa alam ang pangalan n'ya ay na-attract ka sa kanya? E, ang magsulat ng 'love letters' para sa kany...