Letter 50

1.4K 88 8
                                    

Dear You,

Sabi mo magkita tayo bukas at may sasabihin ka. Pakiramdam ko alam ko na ang sasabihin mo. Kaya ch-in-at ko si Charlie. I need to talk to him before anything else. Hindi mo siya kinukuwento at hindi ko na rin siya masyadong nakikita kaya mas lalo akong nag-aalala na baka hindi na talaga kayo nag-uusap.

Pero iba ang nalaman ko noong nakausap ko na siya. Gago ka talaga, You. Bakit hindi mo sinabi sa akin na nasa states na pala sila? Nag-aalala ako para sa wala. Kinuwento n'ya sa akin na nagkaayos kayo bago sila umalis para ipagamot doon si Eureka.

Nag-sorry siya para sa maraming bagay at inihingi n'ya rin ng sorry si Eureka. Matagal ko mang hindi nakita at nakausap si Charlie, pero parang siya pa rin ang Charlie na nagustuhan ko. Si Charlie na masyadong pure. I really do hope na matagpuaan na n'ya ang babaeng para sa kanya. 'Yung babaeng mas better sa akin in every way. 'Yung babaeng hindi siya sasaktan at paiiyakin.

Charlie Santillan: Kapag hindi pa rin naging kayo ni You, babatukan kita kapag nagkita ulit tayo. Mahal ka noong tao. Hindi na hadlang si Eureka sa inyo. Siguro naman it's time para pakinggan n'yo naman ang nararamdaman n'yo. You two deserves to be happy. I'll be happy kung pareho kayong magiging masaya. I'm letting you go, Melody. Go follow your heart. :)

Nagmamahal,

Me

Dear You, (Nagmamahal, Me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon