Letter 14

1.4K 80 4
                                    

Dear You,

Nagulat ako nang ipakilala mo ako sa mga barkada mo na kasama mo kanina noong nadaan ako sa lover's lane. Hindi ko akalain na kaibigan pala ang turing mo sa akin. Kung tutuusin wala pa nga tayong naging matinong usapan. Lagi na lang pasandali-sandali ang usapan natin. Kung magkakasabay naman tayo sa jeep lagi kang nakakatulog dahil medyo malayo ang byahe natin.

Pero I'm glad. Kasi akala ko all this time magkakilala lang tayong maituturing, hindi naman pala. Akalain mong may label pa lang tayong "friends".

Sabi ng kaibigan ko, d'yan daw nagsisimula ang lahat. Ang sagot ko naman, wala namang sisimulan.

Nagmamahal,
Me

Dear You, (Nagmamahal, Me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon