Letter 02

2.1K 91 6
                                    

Dear You,

Hoy! Ilang araw na kitang hindi nakikita sa sakayan, kailangan ko na bang kabahan? Bakit hindi ka pumapasok? May sakit ka ba talaga? Ang daming pumapasok sa utak ko na dahilan. Hindi ko maisa-isa kasi masakit sa kamay ang pagsusulat.

Paubos na rin ang tinda nitong ballpen ko, kailangan ko nang bumili ng bago. Siguro mga dalawang sulat na lang ang kaya nito at bibigay na.

Makikita ba kita bukas? E, sa susunod na araw kaya? Makikita pa ba kita?

Nagmamahal,
Me

Dear You, (Nagmamahal, Me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon