Dear You,
Ang layo na nang nararating mo, a. Sa college pa namin kayo kumain ng lunch. Sana ikaw na lang. Sana hindi mo na lang siya sinama. Para tuloy akong sabit sa inyong dalawa noong inaya mo akong sa inyo na lang sumabay dahil nakita n'yo akong mag-isa sa table. Hindi lang kita matanggihan, e. Nadadaan mo kasi ako sa ngiti mo.
'Yung ngiti mo kasi nakakahawa. Nakakaadik. Ang sarap na lang tingnan. 'Tapos nawawala pa 'yung mata mo kapag ngumingiti ka. Lumalabas ang dimples mo. Ang sarap mong panggigilan kasi ang cute cute mo.
Nagmamahal,
Me
BINABASA MO ANG
Dear You, (Nagmamahal, Me)
RandomNaranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo pa alam ang pangalan n'ya ay na-attract ka sa kanya? E, ang magsulat ng 'love letters' para sa kany...