Dear You,
Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis ako. Salamat sa pagdala ng freebies ko noong nag-donate ako. Akala ko char char n'yo lang 'yon, pero sana hindi mo na siya sinama. Na-insecure na naman ako sa kagandahan n'ya. Naiingit na naman ako sa kanya kasi bagay talaga kayong dalawa. Paano maging siya?
Pero maiba, salamat talaga sa effort sa pagdadala. P'wede mo naman kasing iabot sa akin sa jeep kung magkakasabay tayo o hindi kaya ay i-text ako ng president n'yo para kuhanin ko sa department n'yo, pero nagpunta ka pa talaga. Sana maalala mo 'yung para sa kaibigan ko, hindi mo kasi nadala. Hehehe!
Sabi pala ng kaibigan ko, tigilan ko na 'to. Baka kasi dumating daw 'yung time na hindi ko na magawang tumigil pa.
Nagmamahal,
Me
BINABASA MO ANG
Dear You, (Nagmamahal, Me)
RandomNaranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo pa alam ang pangalan n'ya ay na-attract ka sa kanya? E, ang magsulat ng 'love letters' para sa kany...