Letter 15

1.5K 111 12
                                    

Dear You,

Dumarating 'yung point na, naiisip ko na paano kung noong unang beses pa lang kitang nakita sa jeep at tumabi na ako sa iyo? Nagkakilala kaya tayo sa ibang paraan? I mean, hindi mo malalaman 'yung name ko dahil nag-donate ako ng dugo sa booth n'yo or hindi ko malalaman ang name mo dahil pinilit kong umupo sa tabi mo.

Pero naiisip ko rin, kung iba ang nangyari, magiging magkaibigan din ba tayo katulad ngayon? Sabi kasi nila everything happened for a reason, tingin mo ano ang reason kung bakit tayo nagkakilala?

Wala lang. Napaisip lang talaga ako. Napapaisip ka rin ba ng ganito?

Nagmamahal,
Me

Note: Sa mga nagbabasa nito, any feedback? So far, ano ang tingin n'yo sa story? :) No update tomorrow, kaya double update tonight. :)

Dear You, (Nagmamahal, Me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon