Dear You,
Kinuwento kita sa kaibigan ko, sabi ko kasi nakatabi na naman kita kanina. Hindi siya naniwala na hindi ko sinadya this time. Ikaw naman talaga ang tumabi sa akin kanina. Akala ko nga hindi na talaga kita makakatabi dahil puno na ang jeep at sa iyo naputol ang pila. Buti na lang at bumaba ang katabi ko at pinauna ka na lang.
Sabi ko gagawan ko ng paraan para kunwari destiny, pero mukhang siya na ang gumagawa ng paraan para magkatabi tayo. Although, siguro nadaan na rin sa dasal. Nagiging pala dasal ako lately, lagi kong pinagdadasal na sana magkaroon na tayo ng moment at masabi ko na rin sa iyo ang pangalan ko.
Salamat pala sa ngiti mo kanina, kahit na alam kong hindi naman talaga para sa akin 'yon at doon sa katabi kong babae ang ngiti mo, ayos lang. Dumaan naman sa akin, e. Pero sana sa susunod 'yung para sa akin na, hindi 'yung napadaan lang.
Nagmamahal,
Me
BINABASA MO ANG
Dear You, (Nagmamahal, Me)
RandomNaranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo pa alam ang pangalan n'ya ay na-attract ka sa kanya? E, ang magsulat ng 'love letters' para sa kany...