Dear You,
Nawala ako sa sarili ko kanina. Hindi ko na nagawang magtago sa inyo. Hindi ko inakalang pupunta kayo sa mga booth namin. Hindi ko inakala na pupuntahan n'yo ako. Hindi ko na ihanda 'yung sarili ko sa pagkikita natin. Hindi ko na ihanda 'yung puso ko.
Para akong robot kanina sa harapan n'yo. Kahit anong sabi ko sa utak ko na umasta nang normal ay hindi ko magawa. Kinakabahan ako. Ang tagal na nating hindi nag-uusap. Pakiramdam ko ay hindi na ulit tayo magkakilala, pero ang bawat tingin mo sa akin ay iba ang sinasabi.
P'wede ba akong mag-assume? Ang nakikita ko kasi sa mga mata mo ay natuwa ka nang makita mo ako. Hindi ako naniniwala sa sparks sa mata, pero 'yon ang nakita ko sa nga mata mo kanina.
Nagmamahal,
Me
C%5C%5C%5C%50v5
BINABASA MO ANG
Dear You, (Nagmamahal, Me)
RandomNaranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo pa alam ang pangalan n'ya ay na-attract ka sa kanya? E, ang magsulat ng 'love letters' para sa kany...