Dear You,
Nagulat ako sa text ni Charlie. Hindi ko ine-expect 'yun. Pain mo ba 'yon para magpakita na ako sa inyo?
Tinanong n'ya ako kung p'wede n'ya raw ba akong ligawan...
Hindi ko pa siya nire-reply-an dahil hindi ko alam ang isasagot. Hindi, alam ko pala ang isasagot. Hindi ko lang alam kung seryoso siya.
Paano kung mag-reply ako ng, "Hindi p'wede, e. In love kasi ako sa best friend mo." Tapos ginamit mo lang pala siya para magparamdam ako, e, 'di nalaman n'ya pa ang nararamdaman ko at baka sabihin n'ya pa ito sa iyo.
Baka mawala na nga ang kung ano mang mayroon tayo.
Nagmamahal,
Me
BINABASA MO ANG
Dear You, (Nagmamahal, Me)
RandomNaranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo pa alam ang pangalan n'ya ay na-attract ka sa kanya? E, ang magsulat ng 'love letters' para sa kany...