Dear You,
Sinabihan na kasi akong tumigil, e. Pero hindi ko ginawa. Ang tigas ng ulo ko.
Sana kayang turuan ng utak ang puso. Sana kaya kong sabihin na magugustuhan ko rin si Charlie na hindi iniisip na imposible itong mangyari. Sana si Charlie na lang, You. Sana siya na lang at hindi na ikaw.
Pero sino ba ang niloloko ko? Ginagawa kong tanga ang sarili ko. Pinipilit ko sa sarili ko na gustuhin si Charlie kahit iba naman talaga ang gusto. Nasasaktan ako tuwing nakikita ko siyang nag-e-effort para sa akin. Para akong timang.
Nagmamahal,
Me
BINABASA MO ANG
Dear You, (Nagmamahal, Me)
RandomNaranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo pa alam ang pangalan n'ya ay na-attract ka sa kanya? E, ang magsulat ng 'love letters' para sa kany...