Letter 16

1.4K 89 1
                                    

Dear You,

For some reason, napapansin ko na hindi ka na nakakatulog sa jeep tuwing nakakasabay kita. Nakikipagkuwentuhan ka na sa akin. Medyo nakikilala na natin ang isa't isa. Hindi halata, pero may pagkakuwela ka pala.

Hindi ka boring kausap. May sense ang bawat sinasabi mo. Natututo rin ako sa iyo patungkol sa course mo. Sobrang na-amaze ako sa mga naikuwento mo na sa akin. Paano mo naalala ang lahat nang pinag-aaralan n'yo? Parang ang hirap i-absorb sa sobrang dami.

Humanga talaga ako sa iyo, kasi sobrang dedicated mo sa pag-aaral. Parang namo-motivate na rin akong magsipag. Gagalingan ko na rin. Hehehe.

Nagmamahal,
Me

Dear You, (Nagmamahal, Me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon