Dear You,
Mahal n'ya ako. Mahal kita. Mahal mo ay siya. Mahal ka rin n'ya. Dahil ako ay tanga, pinipilit kong mahalin siya para kunwari everybody happy. Pero alam mo ba kung gaano kahirap 'yun? Hindi deserve ni Charlie ang ganito. Hindi ko siya deserve. Hindi ako deserving sa pagmamahal na binibigay n'ya sa akin.
Gusto kong sabihin sa kanya na...
"Tama na, Charlie. Tama na."
Pero lagi akong napaghihinaan ng loob. Kasi nakikita ko sa kanya na ayaw n'ya talagang sumuko. Na gagawin n'ya talaga ang lahat para sa akin. Pero bakit ganito, Youjin? Bakit kahit gano'n, ikaw pa rin? Bakit hindi ko magawang maramdaman kay Charlie 'yung nararamdaman ko sa iyo?
Masaya ako kay Charlie, gusto ko siya, pero hindi sapat 'yung pagkagusto ko para sabihin kong... mahal ko na rin siya.
Nagmamahal,
Me
BINABASA MO ANG
Dear You, (Nagmamahal, Me)
RandomNaranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo pa alam ang pangalan n'ya ay na-attract ka sa kanya? E, ang magsulat ng 'love letters' para sa kany...