Dear You,
Nilapitan pala ako kanina noong barkada mo na si Charlie noong bumili ka ng juice noong lunch. Wala namang siyang sinabi pero parang ang creepy ng dating, kasi kung kailan wala ka saka siya lumapit. Hindi naman kami close, 'di ba? Ang tanda ko lang nakasama natin siya minsan, noong foundation week yata iyon, pero hindi naman kami nag-usap.
Kapatid ba siya noong girlfriend mo? Medyo hawig kasi sila, e. Alam mo, medyo matagal na rin tayong close, pero hindi ko pa rin magawang itanong sa iyo kung ano ang pangalan ng girlfriend mo. Hindi mo naman siya pinapakilala, ayaw ko rin namang magtanong.
Tuwing kasama natin siya, feeling ko out of place ako, although parang sabit lang naman talaga ako sa inyo dahil lahat kayo ay nursing tapos ako ay Business Ad. Kung hindi lang naman dahil sa iyo hindi ako sasasama sa inyo.
Nagmamahal,
Me
BINABASA MO ANG
Dear You, (Nagmamahal, Me)
RandomNaranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo pa alam ang pangalan n'ya ay na-attract ka sa kanya? E, ang magsulat ng 'love letters' para sa kany...