Dear You,
Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Nakita ko na rin ang pangalan mo. Youjin Balmonte. Ang unique lang. Sino kaya ang nakaisip ng pangalan mo? Bakit hindi na lang Eugene? Tutal gano'n naman talaga ang typical spelling ng pangalan mo.
Pasensya na pala at talagang siniksik ko ang sarili ko sa tabi mo kanina. Desperada lang talaga ako. Masyado ng matagal ang frustrations ko sa iyo, kailangan ko na ng improvements. Tulad ngayon, alam ko na ang pangalan mo. P'wede pa rin ba kitang tawaging You? Hindi mo rin pala ako masasagot. Hibang talaga ako.
Huwag ka sanang magulat kung tatabi ulit ako sa iyo sa susunod. Kunwari destiny 'yun, at hindi ko sinasadya.
Nagmamahal,
Me
BINABASA MO ANG
Dear You, (Nagmamahal, Me)
RandomNaranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo pa alam ang pangalan n'ya ay na-attract ka sa kanya? E, ang magsulat ng 'love letters' para sa kany...