Letter 30

1.3K 69 4
                                    

Dear You,

Gusto kitang yakapin kanina noong tumabi ka sa akin para kausapin, pero syempre hindi ko ginawa kasi nandoon si Eureka at ang iba mo pang kaibigan. Ano na lang ang sasabihin nila, 'di ba?

Pero nagpapasalamat ako dahil hindi ka nagtanong kung ano ang nangyari sa akin, kung bakit ako lumayo, kung bakit ako biglang nagpakita. Salamat dahil kinumusta mo lang ako at umakto na parang walang nangyari. Na parang hindi ako nawala.

Pero sigurado akong alam mo ang dahilan kung bakit ako nandoon kanina... siguro alam mo lang talaga na hindi ako magsasalita tungkol doon kaya hindi ka nagtanong.

Nagmamahal,
Me

Dear You, (Nagmamahal, Me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon