Dear You,
Naka-recover na pala ako. Akala ko mauubusan ako ng dugo. Napasubo ako sa pagdo-donate ng dugo dahil iyon ang ginagawa n'yo sa booth n'yo. Akala ko kung ano, nag-aya pa ako ng kaibigan ko kasi sabi ko enjoy. Pero don't get me wrong, a! Masaya akong nakatulong ako sa nangangailangan ng dugo. Pero takot kasi talaga ako sa karayom. Ang laki pa ng ginamit mo kanina.
Naramdaman mo ba ang pangangatog ko? Hinawakan mo kasi 'yung kamay ko, e. Feeling ko nga doon umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha ko, balak-balak ko na ngang sa pisngi ko iturok ang karayom at doon ka kumuha ng dugo.
Natandaan mo kaya ang pangalan ko? Isinulat ko pa ulit 'yon sa hawak mong form. Sana matandaan mo ang pangalan ko. Melody Esteban, pero Me ang tawag sa akin ng mga barkada ko. Hindi 'yung 'meh', a! Pangkambing 'yun. 'Yung Me ko as in 'yung Me na ako. Pangit naman kasi kung 'meh', 'di ba?
Nagmamahal,
Me
BINABASA MO ANG
Dear You, (Nagmamahal, Me)
RandomNaranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo pa alam ang pangalan n'ya ay na-attract ka sa kanya? E, ang magsulat ng 'love letters' para sa kany...