Letter 38

1.2K 70 6
                                    

Dear You,

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Bakit ngayon pa, Youjin? Bakit ngayon lang?

Gusto kong maging masaya dahil all this time pala ay totoo ang nakikita ko sa mga mata mo. Totoong p'wede akong umasa na baka magkaroon ng "tayo". Pero bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang, Youjin?

Bakit kung kailan kaibigan ko na si Eureka? Bakit kung kailan kami na ni Charlie? Bakit ngayon lang? Bakit hindi noon pa?

Gusto kong sabihing mahal din kita, pero kahit saan ko tingnan... mali, e. Ex ka ng kaibigan ko. Best friend ka ng boyfriend ko. Ano na lang ang mangyayari sa atin kung sasagutin ko ang pagmamahal mo?

Magkakaroon ng "tayo" pero mawawala ang mga taong naging malapit na sa atin. Hindi ko kayang saktan si Charlie. Hindi n'ya deserve na masaktan. Alam mo kung gaano nahirapan si Charlie para lang mapalitan ka sa puso ko. Hindi ko kayang balewalain na lang ang mga iyon... kahit pa sabihing mahal pa rin kita.

Nagmamahal,

Me


Dear You, (Nagmamahal, Me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon