Letter 18

1.4K 80 4
                                    

Dear You,

Pasensya na kung ilang beses na kitang tinatanggihan. Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari sa akin. Suddenly I just want to be away from you. Naks. Napapa-english ako. Pero puwera biro. Iba na ang nararamdaman ko. Kailangan kong huminto o hindi kaya ay pansamantalang bumagal sa takbo natin.

Masaya ako dahil nakakasama kita pero alam ko ang limit ko. Natatakot ako na baka dumating ang panahon na hindi ko na nga kayang pigilan 'to. Alam ko kung saan ako lulugar. Alam ko kung hanggang saan lang ako.

Hayaan mo muna sana ako habang may kontrol pa ako sa kung ano man itong nararamdaman ko.

Nagmamahal,
Me

Dear You, (Nagmamahal, Me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon