Dear You,
"Alam ko, Melody. Alam kong mahal ka ni Youjin. Alam din ni Eureka..."
Mga kataga ni Charlie noong nag-usap kami tungkol sa inyo ni Eureka. Alam nila. Alam nila pero hindi nila tayo binigyan ng pagkakataon para sa nararamdaman natin. Gusto kong magalit kay Charlie, kay Eureka. Gusto kong isumbat 'yung panahon na pinagsamahan namin na sana ay tayo, pero hindi ko nagawa...
"Mali ba ang maging selfish, Melody? Masasabi mo bang mali ang gustuhin namin ni Eureka na mag-stay sa amin ang taong mahal namin? Mahal na mahal kita, Melody. Sobrang mahal."
Naiyak na lang ako dahil sa sinabi n'ya na 'yan. Alam ko. Ramdam kong mahal na mahal ako ni Charlie. Sa panahong magkasama kami, hindi siya nag-fail na iparamdam sa akin 'yon. Isa 'yon sa mga nagustuhan ko sa kanya, pero kahit ano talaga ang gawin, hindi ka n'ya nagawang palitan.
Ikaw pa rin, Youjin, pero huli na yata ang lahat para sa atin...
Nagmamahal,
Me
BINABASA MO ANG
Dear You, (Nagmamahal, Me)
RandomNaranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo pa alam ang pangalan n'ya ay na-attract ka sa kanya? E, ang magsulat ng 'love letters' para sa kany...