Dear You,
Kinausap ako ni Eureka. Inamin n'ya sa akin na siya na lang talaga ang ayaw bumitiw sa iyo, noon pa bago pa ang pag-donate ko ng dugo sa booth n'yo ay nagkakalabuan na raw talaga kayo, pero pinipilit pa rin n'ya dahil mahal na mahal ka n'ya.
Hinihintay ko siyang mag-sorry, pero iba ang narinig ko mula sa labi n'ya.
"Bakit ikaw pa? Bakit sa iyo pa? Ano'ng mayroon sa iyo?"
Nagbago ang tingin ko sa kanya noong mga oras na 'yon. Parang hindi siya ang Eureka na nakilala ko. Gusto kong itanong, "Bakit hindi ako? Bakit ano ba ang wala sa akin?" pero hindi ko nagawa, naisip ko na baka wala lang sa sarili si Eureka kaya n'ya nasabi iyon. Nabubulag siya sa pagmamahal n'ya sa iyo.
Nag-isip din kasi ako nang gan'yan sa kanya noon. Bumabalik sa akin 'yung mga naiisip kong masama noon. Karma na ba ang tawag dito?
Nagmamahal,
Me
BINABASA MO ANG
Dear You, (Nagmamahal, Me)
RandomNaranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo pa alam ang pangalan n'ya ay na-attract ka sa kanya? E, ang magsulat ng 'love letters' para sa kany...