Letter 13

1.5K 79 1
                                    

Dear You,

Bakit ganoon? Kung kailan ako na 'yung lumalayo saka naman ikaw 'tong lapit nang lapit? Pinipilit kong huwag ka nang pansinin or kung papansinin kita 'yung civil lang at walang ibang kahulugan.

Sabi ko nga ititigil ko na 'tong pagsusulat ko na ito, pero hindi ko alam kung bakit tinutuloy ko pa. Bumili pa ako ng extra ballpen para kung mauubusan ulit ako ay may gagamitin pa ako. Nababaliw na ako. At kasalanan mo ito.

Okay naman ang lahat noong una, e. Kaya lang nga kasi may girlfriend ka na. Hindi ko kayang nakikita kayong magkasama. Naiinis ako. Baka nagseselos ako. Baka kasi may nararamdaman na akong iba para sa iyo. 'Yung pakiramdam na hindi p'wede. 'Yung pakiramdam na hindi ko masusuklian.

Nagmamahal,
Me

Dear You, (Nagmamahal, Me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon