Dear You,
Makikipaghiwalay na sana ako ngayon kay Charlie, pero noong dumating ako sa bahay nila, nakita kong nag-collapse si Eureka. Sinabi rin sa akin ni Charlie ang dahilan na kahit hindi mo na mahal si Eureka ay hindi mo magawang iwanan ito noon.
Bakit walang nagsabi sa akin? Bakit walang nagsabi sa akin na may sakit pala si Eureka? This is the most cliché love story. Bakit kailangan itong mangyari sa akin? Sa atin? Ito ba ang paraan para mahadlangan tayo?
Gusto kong isipin na gawa-gawa lang nila ang sakit ni Eureka pero sobra naman yata kung magha-hire pa sila ng doctor just to prove it. Hinahanap ka n'ya. Kailangan ka n'ya. Gusto kong sabihin na paano naman tayo? Wala ba talagang chance?
Nasaktan ako nang makita kitang dumating.
Harap-harapan, Youjin. Pinamumukha nila sa akin na hindi p'wedeng maging tayo. Na kahit anong mangyari kasi isang tawag n'ya lang sa iyo ay darating ka...
Nagmamahal,
Me
BINABASA MO ANG
Dear You, (Nagmamahal, Me)
AléatoireNaranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo pa alam ang pangalan n'ya ay na-attract ka sa kanya? E, ang magsulat ng 'love letters' para sa kany...