Dear You,
Heto na naman ako. Sumusulat na naman sa iyo. Babalik na naman ba ako sa dati, Youjin? Bakit kung kailan okay na ako saka magkakaroon ng bagay na nagpapaasa na naman sa akin. Sa puso ko.
Bumabalik na naman ang nararamdaman ko. 'Yung nararamdaman ko para sa iyo. Kay tagal kong sinubukang limutin 'to, pero sa isang iglap lang ay nagawa mong ibalik. Sa isang iglap lang nagawa kong magtaksil kay Charlie.
Siya ang kasama ko pero ikaw na naman ang nasa utak ko. Siya ang nakahawak sa kamay ko pero ikaw ang naiisip ko. Siya ang laging nand'yan para sa akin pero bakit ikaw pa rin ang hinihiling ko?
Masaya na ako sa kanya, pero bakit ganito? Bakit ko nararamdaman ang pagsisisi? Bakit ko nararamdaman na all this time mali talaga ang ginawa ko? Bakit ko nararamdaman na baka may pag-asa na ang "tayo"?
Nababaliw na naman ako ng dahil sa iyo.
Nagmamahal,
Me
BINABASA MO ANG
Dear You, (Nagmamahal, Me)
RandomNaranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo pa alam ang pangalan n'ya ay na-attract ka sa kanya? E, ang magsulat ng 'love letters' para sa kany...