Dear You,
Malapit na matapos ang bakasyon. Magpapasukan na. Last year, magkasama tayo, tayo nila Charlie. Ang dami nating galang pinuntahan. Madaming alaalang nabuo. Pero ngayong taon? Ano na kaya ang mangyayari sa atin?
Mag-iisang taon na tayong magkilala, You.
Mag-iisang taon na kitang mahal.
Oo, kahit na nilalayuan kita, mahal pa rin kita. Iba talaga ang tama ko sa iyo. Natatawa ako tuwing naalala ko kung saan nagsimula 'to. Never kong na-imagine na dahil sa pagsakay ko ng jeep ma-i-inlove ako ng ganito.
Alam mo ba na lahat ng text mo naka-save pa rin sa phone ko? Wala man akong ni-reply-an ni isa sa kanila, pero hindi ko magawang burahin ang mga ito. Gusto kong binabalik-balikan ang bawat message mo. Lalong lalo na ang isang ito...
05/09/2016, 23:23
I can't sleep. Bakit gano'n, Me? Ikaw na naman ang iniisip ko. Mahal na mahal kita. Nababasa mo ba ang mga text ko? Bakit wala kang reply? Bakit hindi ka nagpaparamdam? Mahal na mahal kita. Bakit ba hindi mo ako pinapansin? Miss na miss na kita. I love you. – Youjin
Nagmamahal,
Me
BINABASA MO ANG
Dear You, (Nagmamahal, Me)
RandomNaranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo pa alam ang pangalan n'ya ay na-attract ka sa kanya? E, ang magsulat ng 'love letters' para sa kany...