Dear You,
"Hi, I'm Youjin Balmonte. You?"
Alam mo 'yung gusto kitang sapakin dahil sa ka-corny-an mo? Pero syet. Kinilig ako nang magpakilala ka sa akin na para bang kanina mo lang ako nakita at na-trip-an mo lang magpakilala. Noong inabot mo sa akin ang kamay mo at nakita ko ang ngiti sa mga mata mo, naintindihan ko kaagad ang gusto mong ipahiwatig.
Bagong simula.
Hindi na ako nagpakipot. Sa paghawak ko sa kamay mo, alam kong ang tanga ko dahil sa ginawa kong pag-iwas. Ang tanga ko dahil nauna ang takot. Ang tanga ko kasi ang babaw ng tingin ko sa nararamdaman mo. Na hindi ko man lang naisip nab aka ako naman talaga ang piliin mo.
Madami akong pinagsisihan. Madami akong nagawang mali. Siguro nga kasi wala pa talaga akong experience dito sa tinatawag nilang love. Maraming doubt. Takot mag-take ng risks. Takot sa lahat ng bagay.
Pero ngayon, ayaw kong mag-isip ng iba. Gusto ko ikaw lang. Gusto ko tayo lang. P'wede na siguro, hindi ba?
Nagmamahal,
Me
BINABASA MO ANG
Dear You, (Nagmamahal, Me)
RandomNaranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo pa alam ang pangalan n'ya ay na-attract ka sa kanya? E, ang magsulat ng 'love letters' para sa kany...