Letter 19

1.3K 85 5
                                    



Dear You,

Hindi ko alam kung paano mo nalalaman kung nasaan ako tuwing nagtatago ako sa iyo. Gano'n mo na ba talaga ako kakilala? Nagtago na ako sa library ng COE pero nakita mo pa rin ako. May GPS ka ba sa phone ko?

Tuwing gusto kong lumayo sa iyo, gumagawa ka talaga ng paraan para hindi ako makalayo ng sobra. Naiiyak na ako. Gusto kong bigyan ng kahulugan ang lahat ng ginagawa mo pero maiisip ko na, kaibigan mo kasi ako kaya ka gan'yan.Hanggang kaibigan lang kasi tayo, 'di ba?

Nagmamahal,

Me

Dear You, (Nagmamahal, Me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon