Dear You,
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nilapitan ako ni Charlie at sinabi n'yang seryoso siya sa t-in-ext n'ya sa akin. Sinabi ko sa kanya na may iba akong gusto, pero alam mo ang sagot n;'ya?
"Oo, alam ko. Si Youjin, hindi ba?"
Para akong binuhusan ng yelo sa kinatatayuan ko. Hindi ko kayang gumalaw. Nagmistulang estatwa ako sa harapan n'ya. Alam n'ya. Gano'n na ba ka-obvious ang nararamdaman ko para sa iyo?
Pati ba ikaw ay nararamdaman mo o nahahalata mo na mahal kita?
Nagmamahal,
Me
Note: Wala pong update bukas. :)
BINABASA MO ANG
Dear You, (Nagmamahal, Me)
RandomNaranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo pa alam ang pangalan n'ya ay na-attract ka sa kanya? E, ang magsulat ng 'love letters' para sa kany...