Letter 20

1.3K 75 1
                                    

Dear You,

Eureka pala ang pangalan n'ya. Akalain mong darating pa pala ang time na malalaman ko ang pangalan n'ya? Akala ko talaga nakaligtas na ako sa iyo... Sa inyong dalawa. Hindi pa pala. Pero malinaw na talaga sa akin ang lahat ngayon. Kailangan kong maging matatag para sa feelings ko.

Hindi dapat ako nagpapaapekto. Hindi ko dapat sirain 'yung nabuo nating friendship dahil sa kung ano man itong nararamdaman ko. May pinagsamahan na tayo, e. Magkaibigan tayo. Hindi ko dapat talikuran yun para lang maka-move on ako.

Sabi nga ng kaibigan ko, ang kailangan ko lang naman kasi talaga ay tanggapin na walang magiging tayo, ang mayroon lang ay ikaw at ako. Oras na matanggap ko 'yan, kahit magkasama pa kayo sa harapan ko, walang magiging epekto sa akin.

Nagmamahal,
Me

Dear You, (Nagmamahal, Me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon