Dear You,
Sabi ni Charlie, gagawin n'ya ang lahat para bigyan ko siya ng chance. Kahit ano'ng sabi kong huwag na, dahil alam naman n'ya ang dahilan, ay ayaw n'yang makinig. Seryoso raw kasi siya talaga.
Sinabi n'ya rin sa akin na huwag na raw akong umasa sa iyo dahil may Eureka ka na nga. Nainis ako sa kanya noong sinabi n'ya 'yon. Para akong sinampal sa mukha.
Nainis ako dahil alam ko naman 'yun, e. Hindi na n'ya kailangan pang sabihin ng harapan. Kaya nga ako lumalayo, 'di ba? Kasi alam ko. Kasi kailangan kong tanggapin... na walang magiging tayo dahil may kayo sa inyo ni Eureka.Masama bang ipagdasal ko na sana ma-fall out of love ka sa kanya? Masama ba 'yun? Ang sama ko ba dahil naisip ko 'yun?
Nagmamahal,Me
BINABASA MO ANG
Dear You, (Nagmamahal, Me)
RandomNaranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo pa alam ang pangalan n'ya ay na-attract ka sa kanya? E, ang magsulat ng 'love letters' para sa kany...