Dear You,
Siguro oras na para tapusin ko na itong kahibangan ko sa iyo, Youjin. Oras na para bigyan ko ng panahon at pansin ang ibang taong nasa paligid ko. Tatapusin ko na 'tong kahibangan ko sa pagsusulat ko sa iyo. Hindi mo rin naman ito mababasa.
"Kung bibigyan mo talaga ng chance si Charlie, don't do it half-heartedly. He's giving everything, you must do the same."
Tama ka d'yan sa sinabi mo na 'yan, e. Bigla akong natauhan. Alam ko naman 'yan, e. Noon pa, pero noong sa iyo na nanggaling, gusto ko na lang magpasagasa sa isang malaking truck.
Oo, I did give him a chance, pero hindi ako 100% committed sa chance na binigay ko sa kanya. Alam mo kung bakit hindi ko mabigay ang 100%? Umaasa pa rin kasi ako. Oo, nakakaletse. Lagi pa rin akong umaasa. Umaasa na baka sakaling may chance ang "tayo", kahit wala naman talaga.
Pero ngayon, ito na ang huling letter ko para sa iyo. Ititigil ko na 'to. Ibibigay ko na kay Charlie ang 100% chance na deserve n'ya. I won't do it half-heartedly. Seseryosohin ko na si Charlie, hindi ko gagawin 'to dahil napipilitan ako, pero dahil ito 'yung tama. Charlie deserves the chance, sa dami nang nagawa n'ya para sa akin, I don't see any reason kung bakit nga ba hindi ko pa seryosohin ang ginagawa n'ya. Mahal n'ya ako, gusto ko siya, siguro naman doon din papunta ito.
Paalam, Youjin.
Nagmamahal,
Me
Note: Pansamantala ko po munang ititigil ang everyday update. Babalik po ako after 3-5 days. Malalaman n'yo ang reason kapag nag-resume na ang update. 'Yung 3-5 days na 'yan, give it to me para matapos ko na rin ang story na ito. May ilang letter pa akong dapat isulat, e. Hintayin n'yo si You at Me, a. Hindi pa rito magtatapos 'to. Huwag kayong bibitiw, please. Maraming salamat! :)
BINABASA MO ANG
Dear You, (Nagmamahal, Me)
RastgeleNaranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo pa alam ang pangalan n'ya ay na-attract ka sa kanya? E, ang magsulat ng 'love letters' para sa kany...