Dear You,
Alam kong disappointed ka, pero hindi ko alam na darating sa point na hindi mo na ako papansinin dahil sa naging desisyon ko. Siguro alam mo kung ano ang nararamdaman ko, pero hindi mo alam kung gaano ito kahirap. Kung gaanong pagtitiis ang ginagawa ko para lang masabi kong okay ako sa harapan mo kahit hindi naman talaga.
Ikaw na ang umiiwas, siguro sign na iyon para matauhan ako. Hindi ko alam kung bakit, ayaw ko na ring magtanong dahil baka umasa ako, o hindi kaya ay mag-assume ako.
Kasabay nang paglayo mo ay ang paglapit sa akin ni Eureka. Ang hirap. Bakit kasi kailangan kapatid siya ni Charlie? Bakit kailangan siya ang girlfriend mo? Bakit? Bakit ako nagkagusto sa iyo? Bakit?
Pero alam mo, na-realize ko kung bakit mo siya nagustuhan. Bukod sa maganda, sobrang bait n'ya rin. Nakaka-insecure. Dahil sa likod ng kabaitan n'ya ipinagdadasal kong masira ang "kayo". Pakiramdam ko sobrang sama kong tao.
Nagmamahal,
Me
BINABASA MO ANG
Dear You, (Nagmamahal, Me)
RandomNaranasan mo na bang magkagusto sa taong nakita mo lang sa jeep? 'Yung tipong dahil sa maraming beses kayong pinagtatagpo ng tadhana, kahit hindi mo pa alam ang pangalan n'ya ay na-attract ka sa kanya? E, ang magsulat ng 'love letters' para sa kany...