Letter 45

1.1K 66 1
                                    

Dear You,

Everything is over between me and Charlie. Sinubukan n'yang suyuin pa rin ako, pero kahit ayaw ko siyang saktan, naging honest ako sa kanya at sinabing hindi ko na talaga kaya ang lokohin pa siya. Pareho lang kaming nasasaktan.

Iniisip n'yang kinausap na kita dahil ilang araw na ang nakakalipas. Hinayaan ko lang siyang mag-assume para bigyan pa siya ng sapat na rason para bumitiw na. Hindi ko sinabi sa kanya na hindi ko pa sinasabi sa iyo.

Hindi ko rin alam kung tama ba'ng pumunta ako sa iyo. Ilang araw na akong napapaisip dahil dito.

Kakayanin ko ba'ng pumunta sa iyo kung ang iniisip mo ay may obligasyon ka kay Eureka?

Kakayanin ko ba'ng makihati sa atensyon na binibigay mo kay Eureka?

Handa ba ako para sa bagay na iyon?

Nagmamahal,

Me

Dear You, (Nagmamahal, Me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon