Letter 10

1.5K 85 5
                                    

Dear You,

Gusto kong kiligin kanina dahil nakilala mo ako at ikaw na mismo ang tumabi sa akin sa jeep. Hindi ko inakala na maaalala mo ako dahil sa pagdo-donate ko ng dugo. Sa dami ba naman ng nag-donate, e.

Pero hindi ako doon kinilig. Alam mo kung saan? 'Yung finally nagkakilala na tayo ng maayos. Nagpakilala ka, nagpakilala ako. Nag-shake hands pa tayo. Nagkuwento ka pa na lagi mo nga akong nakakasabay sa jeep, hindi ko expected na mahahalata mo pala. Sa dami ng nakakasabay natin, hindi ko talaga akalain.

Is that a good sign? P'wede na ba akong umasa sa possible moments natin? Oo nga pala, may girlfriend ka. Wala lang. Naalala ko lang siya bigla. Nawawalan ako ng pag-asa. Sa totoo lang, bagay kasi kayo. Guwapo ka, maganda siya. Alam mo 'yun? Hindi babagay ang isang mukhang patatas na katulad ko sa iyo.

Saklap.

Nagmamahal,
Me

Dear You, (Nagmamahal, Me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon