Trip Ko lang(20)

20 1 0
                                    

Aira's POV

"Oh? Ba't ngayon ka lang? Naligaw ka ba?"ani mama habang pinasadahan ako ng tingin from head to foot habang nag-mano ako sakanya.

"Ah...parang ganoon na nga po"pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay sabi nga ni JD ay nakatulog ako habang nagsta-star gazing kami last Friday.

"O ba't ka nakasimangot? Hindi ka pa ba kumakain? tsk! gutom lang yan! tara na at sakto, manananghalian palang kami ni yaya" Hindi parin maalis ang pagkairita ko sa nangyari kanina. Kaya siguro nahalata dahil halos magsalubong na ang kilay ko tapos ang dilim ng aura ko pa.

"Busog pa ako ma~ Gusto ko lang magpahinga"sabi ko sakanya dahil kinaladkad niya na ako papuntang kusina.

"Jusko! Ikaw batang ka! Diet ka ng diet eh ano pa ang idi-diet mo eh parang buto na lang ang meron mo. Hindi ka na nahiya sa grasya eh nakita mong ang daming taong naghihirap at walang makain tapos kung umayaw ka ay parang hindi ito binibili. Ngayon, kakain ka o ako mismo ang susubo nyan sa ngala-ngala mo" mabahang sermon ni mama

Alam nyo yung feeling na bad mood ka na nga tapos may dadagdag pa.Nakaka-GG amp!

Kaninang papunta dito ay ginugutom ako pero ngayon...parang nawalan na ako ng gana. Kumuha ako ng isang scoop lang ng rice. Ang ulam namin ngayon ay corned beef and ampalaya pero ang kinuha ko lang ay corned beef dahil hindi ko type ang lasa ng ampalaya. Masyadong mapait!

Funny how it sounds, ang isang bitter na katulad ko ay ayaw sa ampalaya...how ironic!

Kumain akong tahimik habang nag-uusap naman sila mama at yaya tungkol sa ipinare-renovate na bahay. Na kesyo raw dapat mag-iba naman an style para magmukhang modern. Tsss...eh ok pa naman yng interiorng bahay eh. What's with the sudden renovation?

"By the way, aalis ako this week for a business trip so Aira, ikaw na ang bahala rito." tumango lamang ako as a response.

Ganyan na talaga si mama ngayong mga nakaraang buwan. Parang marami siyang ginagawa tapos parang 1-3 days lang mamalagi sa bahay. Hmmm...is it just or is mom really seems acting really strange these past few months?

Pagkatapos namin kumain ay hinatid na namin ni yaya si mama sa labas. Marami siyang binilin ki yaya about sa pinapa-renovate na bahay at kung ano-ano ang mga gagawin habang wala siya. Bilin sakin na wag daw lumabas ng bahay unless papuntang school or mall kasama ang usual driver namin. Baka raw kasi maligaw ako since may kalayuan rin ang apartment na ito sa school at ilang taon na rin ang nagdaan since the last time na pumunta ako rito. Siguro nasa mga 5 or 6 ako nung last na pagpunta ko rito.

Malaki itong apartment na 'to kaso mas malaki nga lang yung bahay namin sa village. I believe ito yata ang dating tinutuluyan ni mama nung college raw siya tapos kung saan ako *ehem* nabuo. LOL. Pagmamay-ari daw ni lola ang buong apartment kaya no need na kaming bumayad buwan-buwan dahil permanente si mama rito. Maganda rin ang apartment dahil spacious pero hindi tulad nung bahay sa village na tatlong palapag, dito ay dalawa lang. Sa taas ay may 3 rooms at isang library( or office?) tapos sa baba ay may isang room and sala,bathroom,dining at kitchen.

Nagpaalam na ako ki yaya na pupunta na ako sa kwarto ko dahil damang-dama ko ang pagka-lowbat ko ngayong araw gayong hapon palang hayyys!

But I still can't forget about what happened earlier at the car. Shet! Why am I even acting like this? Kung makaasta ako parang nagseselos ako arrrgh! Erase! Erase! HINDI AKO NAGSESELOS!

Baka....magkakaperiod na ako kaya mabilis akong mairita? Hmmm yeah! I'd take that alibi. Regular ako at 3rd week rin kadalasan ang start. Hayyyy buhay babae!

Ngayong tapos na ang Valentine's na event ay ang next ko naman ngayong proproblemahin ulit ay ang Foundation Week. Patapos na rin pala ang term ko as president. Funny how time flew very fast. Parang kahapon lang ay in-announce na ako ang next president tapos ngayon ay bilang nalang at aalis na'ko at may papalit na saking bago. I wonder kung sino-sino ang na-nominate para sa position ko?

Trip Ko LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon