Aira's POV
Sabay kaming pumasok ni Kai ng mag-Monday ngunit since magka-iba kaming subject pag-first period ay nauna na siya sa'kin.Ng isasarado ko na ang locker ko ay hindi ko sinasadyang mahulog ang gamit na dadalhin ko para sa first period. Agad akong nag-squat at kinuha ang mga gamit na nahulog ko.
Di nagtagal ay may nakita akong isang pares ng sapatos sa harap ko, "I assume na nasabi na sa'yo ng magaling mong bestfriend ang lahat. Ang rason kung bakit ako napadpad sa paaralang ito."
Kahit hindi na ako mag-angat ng tingin ay kilala ko na agad kung sino ang nasa harap ko. Sa boses niya pa lang na pa-cute, it's no doubt that it is Trixia.
"Oo." madilim kong sambit. Binalingan ko siya ng isang matalim na tingin, "You got what you want already. Nag-break na kami ni JD. So that means na your mission is successfully accomplished. Now, what else do you want from me?"
Nagsukatan kami ng titig. Parehong matatalim na tila ba ay gustong patayin ang isa't isa gamit lamang ang mga mata.
Umiling siya at tumawa, "Wrong. Hindi pa tapos ang mission ko. Remember, ang main mission ko ay mapaakin si JD. You might have broke things off with him but it isn't a reason na solo ko na nga si JD. So what I want from you? Simple."
Yumuko siya para pumantay sa'kin, "STAY. AWAY. FROM. JD."
Agad na kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Tumindig si Trixia at nagsimulang lagpasan ako sa paglalakad. Ngunit bago pa siya tuluyang makalakad ay hinarang ko ang isang paa ko sa harap niya.
Lumapad ang ngisi ko ng maranig na matumba siya dahil sa kagagahang hindi nakita ang paa kong nakaharang sa dinadaan niya. Oh bitch, if I fall, I will make sure you fall harder than me.
Ako naman ngayon ang tumayo at nagsabing, "Paano kung ayaw ko siyang layuan?"
"What are you going to do to me?" hamon ko sakanya ng makakuha na siya ng lakas na makatayo at harapin ako.
"Nothing." ngisi niya, "Wala na kayo, diba? Ano pa ang karapatan mo sakanya? You're now his ex right."
"And you're just a mere acquaintance to him right? Ni wala pang isang beses na narinig ko siyang hindi ka sinisigawan o nagagalit kapag nag-uusap kayo. Ikaw? Anong karapatan mo rin sakanya bagkus ay EX ka rin niya...ex na niligawan. Sinong mas walang karapatan huh?" ani ko ng may plastik na expresyon ng pagkakaawa sakanya. Nakita kong napawi ang ngisi na nakaplaster sa labi niya.
Aww...does it hurt slapping you with the truth? Huh, Trixia?
"Sure, mag-ex nga kami but that doesn't mean I should already stop caring for him. Especially na may lumilinta sa kanyang hindi niya naman ata mahal pero pinagpipilit ang sarili pa'rin." pagpapatuloy ko.
"Palaban ka rin eh noh? Sige, wag mo siyang layuan. Let's compete to get his heart." aniya at naglahad ng kamay.
Compete? Do you think that JD's heart is a prize? Pero sige, pagbibigyan kita. I know na kahit without this petty competition ay kaya ni JD ang sarili niya but who knows what could happen, right? Maybe this girl I'm with might seduce him or worse ay lasingin para lang makumbinse si JD na mapa-kanya. Given this, I think he needs my help in some way. Mas mabuti na yung dalawa laban sa isa. There's a greater chance na mapapatigil ko na nga si Trixia sa kabaliwan niyang makuha si JD.
Hinawakan ko ang nakalahad na kamay, "Fine. Let's compete. In one condition..."
Kalmado siyang nag-aabang ng sunod kong sasabihin.
BINABASA MO ANG
Trip Ko Lang
Teen FictionWala lang, Trip Ko Lang... -makipag-holding hands -halikan siya -sabihan siya ng "I loveyou" -makasama siya At lalong lalo na trip ko lang....maging BOYFRIEND siya. But papaano kung ang pagiging trip na relasyon ay mauuwi sa isang word called LOVE?