Trip Ko Lang(16)

24 1 0
                                    

Kai's POV

Hayyyy! What a beautiful morning!

Talagang isang magandang araw ngayon Dahil ngayon ako makikipag-kita sa substitute na head organizer na tutulong sakin and magkikita kami sa coffee shop dito sa village namin, siguro later(shunga naman Kai! Alangan naman now e kakagising mo lang!) na mga 1:00 p.m.

Since maaga pa naman at walang pang gagawin...ano kaya kung mag-shopping na ako para maging MAS maganda ako mamaya. Hmmm...kailangan ko narin i-update closet ko eh.

So....sige, magsho-shopping ako!

After Kong maligo, nagbihis lang muna ako ng simple outfit---black v-neck t-shirt then jeans lang para pag-naka-bili ako mamaya, tsaka nalang ako magpapalit.

Dinala ko narin ang mga gamit na gagamitin para sa pag-plano sa foundation week.

Bringing my car, dumiretso ako sa MOA. Unfortunately, wala akong matipuhan na damit kaya halos skin and face products lang ang bibili ko then isang gray converse na babagay sa damit kong suot ngayon.

Hayyy, wala na talaga ako magawa. Ano kaya kung tawagan ko nalang ang head organizer tapos sabihin na ngayon nalang na 9:00 a.m.? In that way kasi, Edi maagang matatapos lahat ng problem ko. Next week na rin kasi ang school kaya gusto ko matapos na lahat para for the remaining days, magbo-bonding kami ni Aira!!!

Tinawagan ko na nga ang head organizer at buti sinagot niya naman...

(O teh, problema?)

Oh and have I mentioned before na bakla and head organizer? No? Edi ngayon alam nyo na duhhh hahaah char lang guys!

"Ah....request ko lang na pwede bang ngayon na kami magkita ng substitute as in NOW na" sabi ko

Hindi ako nag-ma'am or sir dahil parang awkward siyang tawagin nun since bakla nga. E etong bakla nga rin to...parang F.C. lang lol.

(Sandali lang...tawagan ko lang yung substitute)

In-on-hold nung baklang head organizer ang call niya sakin. Tapos after siguro 10 mins. Ay bumalik na yung linya niya sakin.

(Pumayag siya na ngayon na daw kayo mag-kita...same place daw)

"Ah salamat! Pwede ko ba makuha ang c.p. # nung substitute?" For emergency purposes

(Ay ayaw niyang ipamigay no. Niya sq kahit kanino eh. Siputin mo nalang para malaman mo kung sino ang substitute. Basta tandaan mo...lalakeng gwapo, matangkad, 4th year college and basketball player. Gets?)

"Ok sige...bye na!"

Kumaripas na ako ng pagpapa-andar ng kotse at dumiretso sa meeting place---which is the coffee shop.

Grabe na! Parang pinapatay na ako ni curiosity. Sino ba talaga itong substitute at may pa-mysterious Eck eck pa syang nalalaman.

Pumasok agad ako sa coffee shop at nag-order na ng isang frappe para Hindi naman ako ma-bored habang naghihintay.

Kakabagot rin pala maghintay! Hindi pa naman ako sanay laging naghihintay. Dapat pala 10 mins. Nagpa-late ako para Hindi dapat ako naghihintay ngayon.

Saktong pagka-lapag ng waitress ng order ko ay may punasok sa entrance ng coffee shop. Nanlaki ang mata ko dahil si Jelo ang pumasok. SI JELO MY CRUSH!

Nag-tama ang mata namin at Hindi ko alam kung imagination ko lang or what pero naglalakad siya patungo sa table ko na naka-ngiti. Anubayan, mas lalo ako nai-inlove. Taena!

Trip Ko LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon