Aira's POV
"J-joker?" wala sa sariling lumabas sa aking mga labi.He's...far from what I've got in my mind. Ngunit masaya ako sa nakikita kong siya. Akala ko isang panget na nilalang siya dahil ayaw magpakita kaya idanadaan niya nalang ang affection niya sa'kin through gifts and such.
I was wrong. I underestimated him.
He is wearing a tux...the one that oddly resembles JD's outfit last school year's Valentines Party. Ang only difference ay ang gamit ni Joker ay isang loose at hindi maayos na necktie. Ang nakuha ng aking attention ay ang black niyang maskara na tinatago lamang ang pantaas na bahagi ng mukha. Nevertheless ay isa rin ito sa nagdala ng appeal niya. Overall, he looks...amazing!
Ngunit hindi ko maiwasang isipin...saan ko nga ba siya nakita? He seems very familiar. So familiar that I just can't remeber where I've seen him.
Those pair of hazel eyes, thin lips and sharp jawline. I remember it to someone I love.
I remember those belonging to JD pero imposible! How can JD be the one behind the mask, eh, for all we know ay hindi ako ang mahal niya? Maybe kinulang pa ako sa tulog at sinisingit ko na naman kung saan-saan si JD!
Ghad, Aira! Forget him even just for today. Give your full attention to Joker!
"So...ikaw na ba talaga ang tunay na Joker?" sambit ko habang tumatama ang malamig na hangin sa balat ko. I maintained an eye contact through his eyes...as if that's the only thing I can see from him.
Matagal siyang sumagot. Nakita kong humakbang siya palapit sa akin at naglahad ng kamay at nagsalita, "Yes. I'm Joker at your service."
Nanlaki ang mata ko dahil sa nalaman at kalaunan ay ngumiti. Nakita kong nakalahad pa'rin ang kamay niya...as if naghihintay siyang kunin ko ito. Nice! What a gentleman!
Iyon nga ang ginawa ko. Nilagay ko ang isang kamay ko sa nakalahad niyang kamay. Hindi ko alam kung bakit komportable ako sa kanya at hindi natatakot bagkus ay first time palang namin na magkita.
Ng makahawak ako sa kamay niya ay iginaya niya ako sa isang gilid ng rooftop. Ngayon ko lang napansin na may isang blanket, na tama lang para sa dalawa, ang nakalatag sa sahig ng rooftop. Sa isang gilid ng blanket ay may mga nakalatag na mga pagkain at isang maliit na speaker. Ang tanging nagbibigay ilaw sa lugar namin ay ang buwan at mga kasama niyang bituin lamang.
I'm amazed. Hindi man masyadong magarbo ang pinaghanda niya ay tagos sa aking puso ang effort na ginawa niya.
"U-uh...nagustahan mo ba?" tanong niya ng maka-upo kami. Inilagay niya naman sa harap naming dalawa ang mga pagkain na kaninang nasa gilid.
Tumango ako since walang hiya kong nalantakan agad ang desert na dala niya. Alangan naman na mag-salita ako habang may nginunguya diba?
Simula ng pagtanong niyang iyon ay hindi na niya ito dinugdutungan muli. Hanggang sa makatapos kami ng pag-kain ay nagkaroon ng nakakailang na katahimikan.
Pareho kaming nakatingin sa kawalan at parang naghahanap ng mga tamang salita na pwedeng pag-usapan.
Tiningnan ko siya, only to find out na tumingin rin pala siya pabalik. Pareho kaming nag-iwas ng tingin. Nararamdaman kong namumula ako ngayon!
"Pwede bang favor." ani ko.
Tumango siya in my peripheral view, "Go." he replied lazily.
Tumingin ako sa mga mata niya. It's the only thing that gets my attention. Those dark...mysterious eyes.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam natin kung bakit ako nakipagkita ngayon. So now, Joker..." I looked at him...with eyes full of plea and desperation. "Pls. tell me who you are. Pls...unmask yourself. I want to know you...kung sino ka nga ba. Please. All the people around me, alam na nila kung sino ka pero paano naman ako? Don't you think it's unfair?"
BINABASA MO ANG
Trip Ko Lang
Teen FictionWala lang, Trip Ko Lang... -makipag-holding hands -halikan siya -sabihan siya ng "I loveyou" -makasama siya At lalong lalo na trip ko lang....maging BOYFRIEND siya. But papaano kung ang pagiging trip na relasyon ay mauuwi sa isang word called LOVE?