Aira's POV
Natagpuan ng aking palad ang kanyang pisngi. Dinig ang marahas na tunog na ginawid ng aking palad, "Magsama kayo!"
Malakas na sampal ko.
"Break na tayo!" pagpapatuloy ko. Aalis na sana ako pero hinawakan ng EX ko ang aking kamay.
"Wait babe...I can explain" sabi ng gago.
"Explain your face...sino ba namang lalaki ang ipagpapalit ang isang katulad ko na kasing ganda, kinis at mala-Kim Chui sa ibang babaeng katulad niya" ani ko at dinuro ang halos hubad ng babaeng nagtatago sa likod ng ex ko.
OA ko 'no! Nakakainis! Ikaw ba naman na makita ang boyfriend...ay mali....EX mo na may babaeng iba na hinahalikan.
Nagkaroon ng nakakabinging katahimikan. Naghintay nga ako sa kanyang eksplenasyon ngunit parang wala siyang maibigay. Tapos ngayon, wala siyang masagot...eh totoo naman kasi.
"Wala ka nang sasabihin?" Sabi ko.
At for the last touch, may nalaman pa akong Walk-out effect!
Anyways, after 'nun, pumunta ako ng Student Council office. Di ko alam ang gagawin ko. Siguro, pwede naman na mag-mukmok, or umiyak or mag-higante ako pero... di ko kaya, di naman kasi ako tanga. I am not too petty for those kind of bullshit.
I am Aira Buenavista. Ako ang President ng school namin at yung sinabi ko kanina...totoo yun!(except sa Kim Chui part) pero Wag nang kumontra...paniwalaan niyo na Lang!
I may be happy-go-lucky pero seryoso ako magmahal. Alam ko kasing pag nagmamahal ako, ibubuhos ko ang lahat ko. But I wonder...bakit ba palagi pa'rin akong iniiwan kahit binigay ko na ang lahat.
Hindi naman ako nagkulang diba? O baka nagkukulang nga ako, hindi ko nga lang alam?
Lakad dito, lakad doon...ewan! Di ako mapakali. Ginago niya ako pagkatapos ng mahabang taon ng relasyon namin! Really, ngayon pa talaga?!
Hayyss...Pambihira!
JD's POV
From: Kevin
Tol! Musta na ang blind date?!
Leche! Tinatanong Niya ang date ko? Mabuti naman nag-text siya...
To: Kevin
Mabuti naman na tanong mo...yung date pala...hmm, masaya! Hintayin mo ko sa bahay namin. Ipapakita ko lahat ng mga ginawa nila sa'kin!
Pagod na ang pisngi ko na paulit-ulit na sinampal ng mga hindi ko kilalang babae.
Pagbaba ko ng aking cellphone ay saktong nakita ko ang huling babae sa 'blind date' na'to. I groaned. Konting tiis nalang, tapos na JD! Kaya mo yan!
Tumungo siya parito sa lamesa ko. Dinaig pa ng kanyang buhok ang haba ng damit na suot niya. Kulang nalang ay makita ang kaluluwa niya sa ikli ng mini skirt na suot ng babae.
Umiwas ako ng tingin. Ginulo ko ang magulo ng buhok ko. Maganda rin...pero di ko type!
Matapos na sana 'tong araw! Damn!
"Mr. De Leon?" sabi ng babae. Hindi nakalagpas ang nang-aakit na tono sa boses niya.
Tsss..Itatanong pa ba niya eh kaharap na niya yung gwapo at nakakahulog-pangang mukha ko.
I mentally rolled my eyes. Hinarap ko ang babae at plastik na ngumiti. Tumango ako at nilahad ang upuan. Umupo rin siya rito.
I can't help but feel unnerve. Hindi naman ako manyak o ano, pero kada titingnan ko siya ay nadidistorbo ako sa nakalabas niyang cleavage.
BINABASA MO ANG
Trip Ko Lang
Teen FictionWala lang, Trip Ko Lang... -makipag-holding hands -halikan siya -sabihan siya ng "I loveyou" -makasama siya At lalong lalo na trip ko lang....maging BOYFRIEND siya. But papaano kung ang pagiging trip na relasyon ay mauuwi sa isang word called LOVE?