Trip Ko Lang(13)

27 1 0
                                    

Aira's POV

"Ako ang nag-lock sayo sa President's Office."

Parang  tumakas lahat ng dugo ko sa katawan at pumunta sa ulo...siguro Dahil sa galit?
Sinubukan ko I-KALMA ang sarili pero Hindi uma-agree ang sistema sakin.

Di ko namalayan na sinampal ko na pala siya....dala Dahil sa galit ko.

Oo, inaamin ko na nagagalit ako dahil akala ko katapusan ko na nun, hindi ko na makakasama Sila mama at Kai at akala ko mamatay akong virgin(de, jk lang haha)
Seryoso na nga, akala ko talaga mamamatay na ako na hindi man lang sinusuklian Si mama...ako at siya na nga lang natitira tapos mamamatay pa ako.

"Alam mo Tiniis ko lahat ng pang-tri-trip mo sakin pero ito ang pinaka-malala na trip ang ginawa mo! Ok Lang sana na pag-tripan mo ako eh Kasi alam ko may isang stupid na dahilan kung bakit mo to ginagawa pero JD, ibang usapan na kung pati buhay ko ay kelangan mong pag-tripan at ipahamak!" sigaw ko sakanya habang patuloy parin ang agos ng luha ko.

"Aira....I'm sorry" I can see concern in his eyes while anger are on my eyes

"ANO pa bang silbi ng sorry kung nagawa mo na? Ay alam ko na kung bakit ka nagso-sorry! Nagso-sorry ka Dahil hindi mo nasaksihan at hindi umayon sayo and fate na mamatay ako! Yun ba kung bakit ka nagso-sorry ha?" Sarkastikong ani ko

"Aira...hindi. Nagso----" hindi ko na kaya ang susunod Niya pang sasabihin, Sabihin nyo nang nilalamon na ako ng galit, pero Yun ang binigay Niya sakin.

"Stop! I don't wanna listen to your sorries! Yang mga 'sorry' mo parang pagsasabi lang yan ng 'I love you', walang halaga kung hindi naman ipinararamdam! Umalis ka na!" sigaw ko ulit

Akala ko Aalis na siya pero pumunta lang siya sa pinto para I-lock yun. Nanlaki ang mata ko at maŠ nainis Dahil sa ginawa Niya. Pinilit kong tumayo pero wala pang isang hakbang ay sumakit na binti ko, na nagpa-Aray sakin. Nakita Naman ako ni JD at dagli-dagling papapunta sa way ko pero nag-stop hand gesture lang ako which made him stop

"Wag Kang lalapit...wag kang lalapit!" Balak ko sana buksan ang pinto pero next thing I knew ay buhat na ako ni JD...Yung pang-bridal style

"Hoy! Diba sabi ko wag mo akong lapitan. Ibaba mo ako!" Pinagpapalo ko siya sa parteng dibdib, braso, at kung saan-saan man tumama ang kamay ko pero tila napa-tigil ako sa ginagawa ko ng halikan Niya ako.

Hinalikan Niya ako?!

1st kiss namin to like lips to lips...somehow, parang kumakalma na ako

Nang Matapos niya akong halikan...ngumisi siya at nagsabing, "hindi ka tumitigil. At least ngayon, kumalma ka"

Sinampal ko nga ulit siya ng maŠ malakas Kesa sa una.

"It's a shame na kaya mong humalik kahit may kasalanan ka." Nanlilisik ang mata ko dahil sakanya.

"Please. Get. Out. NOW." Ma-awtoridad kong sabi.

"I'm not leaving until hindi mo ako pinakikinggan!"

"Then say what you wanna say para lang makaalis ka na dito!" Pati tuloy ako napa-sigaw na

He heaved a sigh and held my hands. Napatingin tuloy ako dun, dapat ngayon....aasarin ko siya na hinawakan Niya ang kamay ko dahil crush Niya ako pero wag nalang...para makaalis na tong g*go dito

"Oo, ako ang nag-lock sayo. Oo, ako Yung nang-trip sayo. At Oo, MUNTIK na Kitang patayin" naiyak nalang ako sa mga pinagsasabi niya, para bang milliones na kutsilyo ang tumutusok sa iba't ibang parte ng katawan ko....parang mas lalo akong nanghihina

Trip Ko LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon