Aira's POV
Panay pa rin ang pagtulo ng mga luha saaking mga mata.Dahil ito sa lungkot ngunit may halong saya.
Saya na gumaan ang aking pakiramdam at...naamin ko sa sarili kong mahal ko nga si JD. Samantalang, may nararamdam ako lungkot dahil hindi maari ito! Bawal! Hindi Pwede.
Isang trip na relasyon lang dapat ang meron kami pero para saakin pala, habang tumatagal, nagiging totoo na.
Ang tanga ko pala dahil ngayon ko lang na-realize lahat ng ito!
Putangina!
Ano na ngayon ang gagawin ko?! Aaminin ko ba sakanya na mahal ko na siya? O layuan ko nalang kaya siya para iwas gulo? Ugh, paano ako napasok sa gulong ito?!
Tama nga talaga si Kai at Dana, dapat hindi ko na pinasok ang relasyon na'to. Ginawa ko na nga sa huling ex ko at nasaktan lang sa huli, ano pa kaya ngayon? Matigas nga talaga ang ulo ko. I've always been stupid.
Binalaan na ako ng mga kaibigan ko na umiwas sa bawal pero di ako nakinig.
Sa huli, ako yung may kasalanan.
Wala eh, akala ko hindi na ulit mangyayari yung dati na pantitrip na nauwi sa mahalan na relasyon namin ng dati kong ex pero...nagkakamali ako. Kinulong ko ang sarili ko sa kaisipan na yun na hindi ko naisip na hindi lang pala utak ang binibigyan halaga kundi pati puso. Tsk, ang mali ko lang, naging kampante kasi akong hindi ako mai-inlove. Kaya I took all of this for granted.
Puro utak ako eh! Puro utak lang ang binigyan kong halaga at babala na kesyo dapat wag na wag kong hahayaan ang sarili kong mahulog ulit.
Nakalimutan ko rin palang warning-an ang puso ko.
Hayyy, na-realize ko na sagad nga talaga ako sa katangahan. Nagkaroon na nga ng maraming boyfriends at experience pero ewan ko lang kung bakit hindi ko yun ginamit sa recent love life ko! Tanga mo, Aira! Argh!
Kaya ayan, nahulog ka lang sa sarili mong patibong.
Dapat trip-trip lang eh. Trip ko lang maging boyfriend siya. Pero simula ngayon, paano ko pa ng ba kukumbinsehin ang sarili ko na hanggang trip lang lahat kung alam kong sa sarili ko na totoo na ang lahat. May it be one-side but still, totoo na.
How can I survive days with him without giving malice in every sweet things we could do? Hindi ko yata kaya yun. Hinding-hindi lalo na't alam at napangalanan ko na nga ang nararamdaman ko sakanya. Mahirap pero DAPAT pigilan ko ang sarili na wag bigyan malisya ang ginagawa namin.
Kung para sakin, totoo na. Pwes, sakanya ay trip lang lahat.
And I should respect that.
Pakiramdam ko nga ay tinatraydor ko si JD eh. Alam naming dalawang dapat wala akong feelings na mararamdaman sakanya and vice versa. So, it feels so wrong to admit the truth to him na...inlove na nga ako sakanya.
Shit! I'm all messed up! BIG TIME.
Wala na akong ibang alam kundi idaan nalang lahat ng problema ko sa buhay sa pamamagitan ng pag-iyak. Naka-ilan na akong iyak sa araw na'to pero parang wala pa sa kalahati ang lumalabas. Marami pa bang naka-store sa tearducts ko na mga luha? Naka-reserved ba ito para sa mamayang gabi? Shit! Kailan kaya titigil ito? Paniguradong pag-uwi ko ay tatanungin ako ni mama kung bakit mugto at pula ang ilong ko. Hmm...iiwasan ko nalang siya.
Tsaka, kailangan kong humingi ng advice ki Kai tungkol sa problema kong 'to.
Ayaw ko ng magkamali kaya mas maigi ay yung mas matino at matalino sa love ang gumagawa ng desisyon, hindi ang mga katuad kong tanga.
BINABASA MO ANG
Trip Ko Lang
Teen FictionWala lang, Trip Ko Lang... -makipag-holding hands -halikan siya -sabihan siya ng "I loveyou" -makasama siya At lalong lalo na trip ko lang....maging BOYFRIEND siya. But papaano kung ang pagiging trip na relasyon ay mauuwi sa isang word called LOVE?