Trip Ko Lang(24)

10 1 0
                                    

Aira's POV

Alam niyo ba yung feeling na parang tinatamad ka for no reason...yung tipong pagkatapos Lang ng school, uuwi ka na agad...yung tipong wala ka sa mood gumala. In short, AYAW mo sanang lumabas para gumala kaso may manlilibre kaya mapapasubo ka Lang talaga! Ang Hirap tanggihan bes! Blessing na yan, dapat pa bang palagpasin? No...

Kaya heto kami ni Josh sa nag-iisang supermall sa lugar namin. Ayaw ko sanang samahan Itong loko kaso Lang mapilit! Kesyo daw bibili siya ng pasalubong pabalik sa New Zealand. Tss...

Tatlong Oras na kami nandito sa Department store at ngayon Lang naisipan ng Kalansay na bayaran na ang kanyang mga binili. Hayy salamat, akala ko wala ng katapusan ang pag-shopping. Ang boring pa naman.

"So what's next?" Tumingin Si Josh sa kanyang orasan. "It's 5:30 already. Do you want to go home already?"

Nilibot ko ang aking tingin para tingnan kung ano pa ang pwedeng gawin namin. Aha!

"Sine tayo!" Ani ko habang hinihila ang kanyang kamay papunta sa ticket stations.

Matapos naming makahanap ng mauupuan sa loob ng sinehan ay sumapi na ulit ang kaluluwa ko sa katawan. Kung kanina ay ayaw kong pumunta dito, Pwes, ngayon...binabawi ko na!

Ngayon Kasi ang showing ng paborito kong libro na finally ay in-adapt na through movie. Plus, ang main character ng movie ay ang paborito kong comedian. Kasali rin sa movie ang paborito kong love team..sheet! Oha, San ka pa Nyan? Lahat ng favorites ko in one piece? Perfection!

Panay ang talak ko Ki Josh kung gaano ako ka-excited. Ang tagal naman! Ba't ba ang raming ads?! Halos maubos ko na ang popcorn ko, hindi parin nagst-start.

"Ang ta-" aangal na sana ako kaso Biglang nag-dim na ang ilaw...tanging ang movie screen nalang ang nagbibigay liwanag sa loob ng cinema. This means na magsisimula na yata ang movie.

Umupo ako ng maayos habang ang ulo ay nasa side ni Josh.

"Ayan na! Ayan na! Ayan na!!" pagtitili ko. Kumuha ako ng popcorn sa lalagyanan nito ngunit wala akong nakapa na popcorn. Eto na nga ba sinasabi ko! Ubos na ang aking popcorn!

Kinalabit ko Si Josh na seryosong nakatingin sa screen.

"What?" Aniya.

"Kalansay, pabili ng popcorn. Ubos na Kasi hehe. Pa-libre ha." sambit ko. Inirapan Niya ako pero sinunod rin ang gusto ko. Tumayo siya para mag-hanap ng mabibilhan popcorn.

Nagsimula ng Ipalabas ang credits...sinipagan akong basahin yun para tignan kung hindi nga ba ako nagkakamali na ang paborito kong comedian at loveteam ay nasa movie.

Ngunit ay may humarang sa pinanonood ko.

"JD here!" Rinig kong sabi ng babae na nasa harap ko Lang at nakatayo.

Teka...ano raw? JD ba kamo? JD na kilala kong loko at mokong?

Tsss...don't be ridiculous Aira! Maraming JD sa mundo, hindi Lang Si JD na kilala mong mokong!

"Come on! Mauubusan tayo ng upoan" slang na sambit ulit ng babae. This time, umupo ang babae sa harap ng upuan ni Josh.

"Here!" Di kalaunan ay may lalakeng nakasunod na nga sa babae. Umupo ang lalake sa harapan ko.

Madilim na pero nakilala ko ang mukha ng lalake. Ano naman ang ginagawa ng isang JD De Leon rito? Sino at Bakit may babae siyang kasama ngayon?

Wait...yung babae? Hindi kaya ay yun yung babaeng naka-civilian sa school? Yung magandang babae na sinundo ni JD kanina sa booth namin? Nagda-date ba Sila?

Trip Ko LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon