Trip Ko Lang(28)

12 1 0
                                    

Aira's POV
Hayyy JD! Ano nanaman ang ginawa mong kalokohan?!

Sa sobrang pagmamadali ko ay nag-commute nalang ako, ni hindi rin nga ako naka-suklay o ano eh! Sabi ko sa sarili ko na mag-aaral ako ngayon pero umepal naman Si JD.

Ano kaya nagyari dun? At to think, yung bunsong kapatid Niya pa ang tumawag sakin?

Bumaba ako ng tricycle pagkatapos mag-bayad. Salamat nalang at nasa tamang bahay ako kahit di ko alam kung ano nga ba ang address Niya. Nung first time kong magawi rito, may malaking beige na gate na may 2405 na numero sa pinakagilid ng gate. Hmmm...ganun pa rin yung numero pero ngayon, nag-iba na ang kulay ng gate. From beige to grey.

Hayyy....dito ba kaya sila nakatira? There's only one way to find out.

Priness ko ang doorbell ng tatlong beses. Pagkatapos ng Ilang minuto, bumukas ang gate pero wala akong nakitang tao.

Huh? Luh, ANONG nangyari? Biglang bumukas ang gate ng walang tao. Ano yan, magical ang gate na automatic nalang magbubukas? Lol. O DI kaya...may multo?!

Nanlaki ang mga mata ko. Shit! Baka OA Lang ako?

"Down here!" Rinig kong sambit. Tumingin ako sa baba at nakita Si Jan-jan! Hayyy, sorry na, OA Lang lol.

"Jan-Jan!" kinarga ko siya. Parang walang nagbago sakanya Nung huli kong nakita. Palangiti, mabait, at cute. Tantsa ko ay nasa 6 years old palang siya kaya naisip ko Lang,  bakit siya ang nag-bukas ng gate? Wala ba silang Yaya? Sa yaman nila, imposibleng wala!

"Baby girl, ikaw Lang ba mag-isa?" Tanong ko habang naglalakad kami papasok sa mala-mansion nilang bahay.

Umiling Si Jan-jan, "No...nasa loob rin Si kuya."

"What I mean...may iba ka pa bang kasama besides Ki Kuya JD. Hmmm....Yaya? Guard? Lola? Lolo?"

Umiling ulit siya, "No. Kami Lang talaga ni kuya ang nandito. Mom and dad are away for three days. We also have a Yaya, pero  bumibili siya ng groceries at the moment. So this is where I'm needing your help...it's about kuya JD too."

Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig. Oo nga pala! Pumunta ako rito Kasi urgent na urgent na kailangan ang tulong ko!

"Oo nga pala, ANONG nangyari Ki kuya JD mo?" ani ko.

"He has a high fever!" aniya na may bakat ng pag-aalala sa tono. "Hindi pa siya umiinom ng gamot because hindi niya kayang tumayo. I tried to find some medicines pero hindi ko po abot. It's been already 2 hrs. past the due time...nanginginig na siya and I don't know what to do so i called you po...you're the last person I know."

Nanlambot ang expression ko. Hinayaan ko si Jan-jan na dalhin ako kung saan man ang kwarto ni JD. Although nakapunta na ako rito, hindi ko naman agad-agad na-memorize ang pasikot-sikot dito kaya nakalimutan ko rin agad kung saan nga ba ang kwarto nun.

Hindi nag-tagal, tumigil kami sa isang pinto. Binuksan ito ni Jan-jan at bumungad sakin ang maputlang mukha ni JD na natutulog. Nanlaki ang mga mata ko at patakbong lumapit sakanya. Kinapa ko ang noo niya at napa-aray ako sa matinding init na dumaloy sa kamay ko. Shit! Lumalala na nga ang lagnat ng isang 'to!

Nilibot ko ang aking paningin para maghanap ng gamot. Pumunta rin ako sa banyo ng kwarto baka sakali man lang meron rin dun. Tama nga ako, may nakita akong gamot sa ibabaw ng sink. Kinuha ko ito at nagsalin na rin ng tubig para ki JD.

"JD..." paggising ko sakanya. Nakailan pa akong mahinang sampal sakanya bago ito magising.

Dumilat ang kanyang mata at kahit hinang-hina ay nakuha pa talaga akong sungitan, "Anong ginag-g-gawa m-mo ri-i-to?!"

Trip Ko LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon