Aira's POV
Nag-aalala ako para ki Kai.Buong gabi, tinatawagan ko siya pero unattended daw ang cellphone niya.
Naka-uwi ba siya kahapon ng ligtas? Bakit parang nagalit ko siya kahapon? Did our plan had gone wrong?
Nandito na ako sa classroom kung saan gaganapin ang second period ko. Kaklase ko rito Si Kai kaya sana Lang ay magkausap kami. Hindi ko kayang ganito ang tensyon sa pagitan namin.
Tinry kong tawagin siya ulit ngunit sa bigo ko ay in-end call niya lang ito.
Napapikit ako sa frustration na nararamdaman ng aking sistema.
Ano ba ang naging kasalanan ko sakanya? Bakit naging ganito ka Kai? Why are you acting so cold to me all of a sudden?
I tried to call her again. Sakto naman ng paglingon ko sa pinto ng classroom ay nakita ko Si Kai at hawak Niya ang kanyang cellphone.
"Kai!" ngumiti ako habang tinawag siya.
Tiningnan niya rin ako, walang bahid na emosyon na nakikita sa mukha niya. In-off niya ang kanyang cellphone at tumungo sa direksyon ko. Kung nakakamatay Lang ang titig, siguro malamig na bangkay na ako rito dahil sa tingin ni Kai sa'kin. Hindi ko maiwasang kabahan.
Akala ko uupo siya sa tabi ko ngunit mali pala. Tumungo siya sa direksyon ko pero umupo sa likod, 3 chairs back from me. Tuluyang napawi ang ngiti ko ng umupo siya tabi ni Trixia. Agad na kumulo ang dugo ko ng marinig ang tawanan nilang dalawa.
Napangiwi ako. Akala ko ba ayaw ni Kai ki Trixia? What happened now?
Pagkatapos ng klase, hinabol ko si Kai. Balak ko sanang kausapin siya para malaman kung ano ang problema namin? Hindi talaga ako sanay sa malamig niyang trato sa'kin. Pakiramdam ko ay inaayawan Niya na ako.
"Kai..." ani ko at hinawakan siya sa braso.
"Oops...mukhang may kailangan yata kayo ayusin...Mauna na ako, Kai. Bye." sambit ni Trixia at nakipagbeso-beso Ki Kai.
"Ok, sure!" kinuyom ko ang aking kamao sa nakakadiring pamamaalam ng dalawa sa isa't isa.
Ng kami nalang ni Kai ang huling tao sa classroom ay matalim Niya akong tinitigan, "Ano?"
"Uh...pwede ba tayong mag-usap?" sinubukan kong pagaanin ang atmosphere naming dalawa...ngunit parang pumapalpak ako.
Tinaas niya ang kanyang isang kilay, "Duh...nag-uusap na kaya tayo. Tsss. Tanga."
Para akong na-offend sa sinabi niya. Madalas niya akong sabihan na tanga ako...in a joking way. Pero, Bakit ngayon, parang may double meaning at below the belt ang pagkakalabas ng salita sakanya. As if na seryoso siya...at ipinamumukha sa akin lahat ng mga katangahang ginawa ko sa tanan ng buhay ko.
Nawalan ako ng mga salita. Parang naging blanko ang utak ko. Hindi ko na alam kung ano nga ba ang purpose kaya ko siya gustong kausapin.
"Anong pag-uusapan natin?" naiiritang sambit niya.
Bumalik ako sa katinuan. Umiling ako, "Uhh..ehh...Wala. Sorry."
Ngumiti ako sakanya. Tinarayan niya Lang ako.
"Tsk!" marahas niyang binawi ang kanyang kamay. Sa lakas ay napaabante ako ng konti.
Tinalikuran niya ako ng may nanlilisik na mga mata at iniwan ako sa classroom...as if wala kaming pinagsamahan. Nanhina ang mga tuhod ako. Ang sunod kong alam ay nakaupo lang ako sa malamig na semento...nag-iisang umiiyak.
Tatlong araw na ang lumipas, hindi ko na tinangka pang kausapin si Kai. Siguro nga ay matindi ang galit na nararamdaman niya sa'kin kaya dapat ay bigyan ko lang siya ng Oras na mag-cool off. Baka kapag ganun ay bumalik na siya sa Dati...sa Kai na naging bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
Trip Ko Lang
Teen FictionWala lang, Trip Ko Lang... -makipag-holding hands -halikan siya -sabihan siya ng "I loveyou" -makasama siya At lalong lalo na trip ko lang....maging BOYFRIEND siya. But papaano kung ang pagiging trip na relasyon ay mauuwi sa isang word called LOVE?