It's the 2nd day of the Foundation Week.Buti nalang at ngayon, hindi ako ang magbabantay sa booth namin.
Pagkarating ko sa field ay tsaka ko lang na-appreciate ang kagandahan ng event. From rides to booths, wala akong masabi kundi WOW! Eto pala ang bunga ng pagpupuyat namin ni Kai at iba pang officers na bumubuo ng Student Body. It was all worth it.
"AIRA!" rinig kong tawag sakin.
Di kalaunan ay nakita ko si Kai kasama si Jelo na paparating saakin.
"Tara na sa mga rides! Wohoo!" hindi na ako nakaangal pa dahil hinila niya na ako.
Balak ko sanang hintayin si Josh kaso since hinila na rin naman ako ni Kai ay ite-text ko nalang siya.
"Dito tayo sa ferris wheel!" ani Kai.
Abot tenga ang ngisi ni Kai pero habang palapit ng palapit sa ferris wheel ay unti-unti rin itong napapawi. Tumingin ako sa tinitingnan niya.
Ahhh kaya naman pala, sa lahat-lahat ba naman ng makikita niya eh si Kevin pa ang nasa dulo ng pila sa ferris wheel. Si Kevin ay kumakaway sa direksyon namin, kasama naman niya si JD at Venice....at Josh?!
Nanlaki ang mga mata ko. Paanong...Paanong nandito agad Si Josh...hindi Niya man Lang ako sinabihan! Kung hindi pa ako nagpatianod Ki Kai eh baka muntanga na akong naghihintay sakanya sa entrance ng event. Tsk.
"Nandito ka na pala Josh." Bungad ko sakanya ng May masamang tingin, "ba't DI mo ako sinabihan?!"
"Huh? Sabi ni JD sinabihan ka na daw Niya." Aniya habang nakatingin sa nagkakamot ng batok na Si JD.
"Uhhhh...naubusan yata ako ng load kaya hindi nakaabot sa'yo Aira. Anyways, sorry." sabi naman ni JD na kung saan-saan tumitingin maliban sa'kin.
Isa nanaman yata yun sa mga scheme niyang mang-trip. Akala Niya naman hindi halata. Lokohin Niya na lahat, wag Lang ako!
Binalingan ko ng pansin si JD at handa na akong pagsalitaan siya kung paano siya ka-tanga ng sumingit si Kevin, "Guys! Nandito tayo para mag-enjoy...kahit ngayon lang, parang awa niyo na...wag muna kayo mag-away Aira at JD. Konti nalang sasabog na ang eardrums ko!Since nandito na rin naman tayong lahat, why not try this ferris wheel first! Libre ko! " Aniya at pumunta na sa bilihan ng ticket para makasakay.
Ng makatapos na siyang makabayad ay pumasok kami sa loob.
"Wait! I don't think we'll fit in just one ferris wheel. We're 7 right? 2 person in one ferris wheel so there will be one who'll be sitting by 3. I'll sit with Josh." ani Venice habang nakangiti ki Josh.
May something na ba sakanila?
"Great! Kami naman ni Kai. So ang natira,Aira, JD at Jelo...kayong tatlo na'rin!" sambit ni Kevin.
"Sandali! Gusto kong kasama si Jelo..."pagrereklamo ni Kai. "Tsaka, mahirap na pag iniwan niyo lang ako sa isang maniac na katulad niyang Kevin na yan!"
"Edi kayong tatlo nalang kaya! Tapos kami naman ni Aira. Tsss...halika na, magst-start na!" hinawakan ako ni JD sa kamay at ipinaupo niya ako sa seat ng ferris wheel.
"Takot ka ba?" tanong niya ng papaandar na ang ferris wheel.
"Bakit? Takot ka?" panghahamon ko sakanya. Nakita kong nanghinayan siya. Pfft! Duwag pala ang isang 'to!
Hindi ko na napigilang tumawa.
Buong morning and afternoon, sinakyan lahat namin ang mga rides dahil panigurado bukas ay aalisin na ang mga ito to give way for the pageant which will be held tomorrow.
First time ata namin itong matipon kami. It was a fun yet another tiring day.
--
Wednesday. It's the 3rd day of the Foundation Week.
BINABASA MO ANG
Trip Ko Lang
Teen FictionWala lang, Trip Ko Lang... -makipag-holding hands -halikan siya -sabihan siya ng "I loveyou" -makasama siya At lalong lalo na trip ko lang....maging BOYFRIEND siya. But papaano kung ang pagiging trip na relasyon ay mauuwi sa isang word called LOVE?