Trip Ko Lang(37)

11 1 0
                                    

Kai's POV
I felt guilty now to Aira. Siguro ay masyado akong naging harsh at hard sakanya. Ngayong hindi kami nagpapansinan, pakiramdam ko ay may malaking parte sa'kin ang nawawala at habang tumatagal, mas lalong lumalaki ang nawawalang parte.

Nakokonsensya akong binuhos ko sa kanya lahat ng galit ng nasa puso ko. I've always been...simula nung tarayan ko siya hanggang sa masasakit na salitang binibitawan ko kapag nag-uusap kami, hindi ko man ipahalata pero nasasaktan rin ako sa mga maling ginagawa ko. Syempre, almost my entire life, bestfriend ko si Aira. Masakit tingnang nasasaktan siya dahil sa'kin...sa mga pinaggagawa ko.

I can't believe I'm saying this to myself pero...inaamin kong naging tanga ako.

Ngayong alam ko na ang lahat...na hindi Si Kevin Si Joker..na hindi ako niloloko ni Kevin...na kilala ko na kung sino ang totoong 'Joker', nagsisisi na ako.

Nagsisisi akong nagpadala ako sa selos na mahal rin nga siya ni Kevin. Ugh! Naging complicated ang lahat ng dahil sa'kin! Nakita ko kung gaano na karami ang mga problema na nasa plato ni Aira pero ako itong insensitive, dumagdag pa sakanya. Argh, imbes na tulungan siya sa kanyang mga problema ay wala akong ginawa at pinabayaan lang siya.

Darn, ang dami ko ng atraso sakanya!

Sumalpak ako sa librong kanina ko ng ininda dahil mas inuna ko ang pagmumuni-muni. Nandito ako ngayon sa library at triny na magbasa ng libro para palipasin ang oras pero hindi ito natupad.

Argh! Napapikit ako sa sakit na naramdaman ng ulo ko. Shit, konti nalang ay nararamdaman ko ng puputok ang ulo ko dahil sa mga nalaman at problema ko!

Una, tumagal na ang two weeks ay magkaaway pa kami ni Aira. Pangalawa, may proposal akong dapat next week na ang deadline. Pangatlo, nalaman kong hindi si Kevin ang Joker kundi iba palang lalake. Pang-apat, kami na ng mokong na nangangalang Kevin!

Hanggang ngayon ay sariwa pa sa'kin kung paano naging kami! It happened in the most unexpected event.

Tuesday ngayon. Tumingin ako sa relo ko, 3:00 palang ng hapon...Maaga pa. Oh well, Mabuti kung ganon, I won't have to see Aira ngayon for much longer.

Papalabas na ako ng gate ng school ng biglang may humila sa'kin papasok ulit at dinala ako likod ng isang building.

"Bitawan mo nga ako!" ani ko sa humila sa'kin rito na si Kevin. "Ano bang problema mo at bigla-bigla ka nalang nanghihila?" pagpapatuloy ko habang hinahawakan ang palapulsuhang namumula dahil sa higpit ng hawak doon ni Kevin.

"Problema ko? Ikaw! Binabaliw mo ako, Kai! Hindi ko maintindihan kung bakit mo ako iniiwasan? Anong ginawa kong mali para lumayo ka ulit sa'kin. Ano, Kai? Ano? Damn!" sinuntok niya ang pader. Nakita kong dumugo ito.

Gumapang ulit sa aking sistema ang galit dahil sa nasaksihan nung Monday. Imbes na mag-aalala dahil sa dumudugo niyang kamao ay mas lalo lamang tumigas ang mukha ko.

"Wow ha! Ang lakas mo namang mag-acting! Sorry ha, Wala akong dalang jacket pero congrats! Wow, just wow! Kahit huling-huli ka na, nagmamaang-maangan ka pa'rin ha! Sabi mo, ako lang! Pero Ano yung nakita ko nung Monday? Kitang-kita ng Pareho kong mata na nag-iwan ka ng regalo sa labas ng bahay nila Aira!" sunod-sunod ko sambit. Sa wakas, lahat ng aking kinikimkim ay nalabas ko na.

Nakita kong nanlaki ang mata niya, "Tama ako diba? Ikaw si Joker! Yung laging nagpapadala ng regalo ki Aira! Putangina mo! Ok lang sana kung iba yung mahal mo maliban sa'kin...pero yung mismong bestfriend ko pa talaga. Hindi ko yun mapapalagpas! Kung mas mahal mo Si Aira, sige na mag-sama kayo. Umalis ka na! Alis!!" pagpapatuloy ko habang pinaghahampas at tinutulak siya paalis...as if dun ko binubuntong lahat ng galit ko sakanya. Pero kahit ganun ay walang tumutulong luha. Tsk, manhid na siguro ako.

Trip Ko LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon