JD's POV
Hayyys....bulok na yata ako dito sa kwarto nato >.<!!! Walang magawa eh!
At dahil walang magawa...pinikit ko nalang ang mata ko at nagmuni-muni pero di rin nagtagal ay narinig ko ang pag bukas ng pintuan...at alam ko kung sino yan.
Clue: makulit at madaldal siya!
"Kuya! Gising na bilis! Tanghali na po!" sabi ng makulit na babae kong kapatid.
Oo, may isa akong bunsong kapatid na 6 years old palang....ang pangalan Niya ay Jane Danielle De Leon...
"Kuya!!!!gising na!" Sabi Niya ulit
"Ano ba Jan-Jan...natutulog pa ako. Alis na sa kwarto ko dali" sabi ko na para bang nagising lang Dahil sa malakas niyang boses.
"Ehhh kuya naman eh!" sabi Niya sa mangi-ngiyak na boses.
"Hayyy..eto na po ma'am Jan-Jan....babangon na po."
Arrgghh...yan ang Mahirap sa pagiging lalake na lumaki na May kapatid na BABAE eh...dito mo matututunan na hindi dapat sinasaktan at pinapaiyak ang babae...pero sa mga past experience Ko Dati, minsan mauubos rin talaga ang pasensya mo sa mga clingy at assuming na mga babae na sinasabi sa buong campus na KAYO na DAW Pero hindi naman talaga -_- hayys...siguro nga kapatid ko lang ang hindi ko kayang mapa-iyak...yung tipo ba na parang napapasa sayo ang sakit kapag umiyak siya....parang ganon.
Pilit ni Jan-Jan hinihila ang kamay ko pero wala eh ...mas malakas ako sakanya hahaha :P
"Kuya!!!get up na! susumbong kita ki mommy" mananakot niya.
"Aish...eto na" sabi ko.
Tumayo na ako at hinayaan siya hilahin ang kamay papunta ki mommy na nasa kusina.
"Good morning babies!" sabi ni mommy....hindi parin nagsasawa na tawagin akong baby...ang laki ko na kaya...mas matangkad pa nga ako sakanya T^T
"Mommy!" sabi ni Jan-Jan at kiniss si mommy sa cheeks...oo cheeks, ibig sabihin left at right na pisngi malamang lol.
"Good morning Jan-jan, mwah!" sabi naman ni mommy ki Jan-jan...haays...ganito talaga silang dalawa ni mommy at Jan-jan...malambing, sweet at affectionate sila...and I'm proud to be part of this family :)
"And Good Morning kuya JD!" niyakap ako ni mommy...yung mahigpit
"Mommmm...you'r making me look like a little boy again" reklamo ko..eh kasi naman..
"O ano naman dun pake ko...little boy pa naman tingin ko sayo eh...I Love You kuya JD! mwah" aish pero kahit anong tutol ko...siya lang naman panalo eh...I really don't have a chance on winning when arguing with my mom.
"Wahhh! Unfair! Si kuya lang may I love you..pano Jan-jan!? T^T" hahaha kahit kailan talaga kailangan patas para hindi si Jan-Jan mainggit...pero ok lang din ako dun..
"Ay sorry po baby Jan-jan...I LOVE YOU mwah mwah" sabi ni mama and she kissed Jan-jan on both cheeks at niyakap katulad nung yakap kanina sakin.
"O halika na kayong dalawa at kumain...may pupuntahan pa tayo mamaya " sabi ni mama
Hayyys...masarap kumain ng almusal pag laging maingay ang pamilya..sa opinyon ko lang hahaha k skl.
BINABASA MO ANG
Trip Ko Lang
Teen FictionWala lang, Trip Ko Lang... -makipag-holding hands -halikan siya -sabihan siya ng "I loveyou" -makasama siya At lalong lalo na trip ko lang....maging BOYFRIEND siya. But papaano kung ang pagiging trip na relasyon ay mauuwi sa isang word called LOVE?