JD's POV
Boyfriend?
"Ay boyfriend" nagulat ako ng pinitik ako sa noo ni President.
"So payag ka ba?" Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong isasagot ko.
"Nagjo-joke ka ba?" plastik kong tawa para maibsan ang ilang sa atmospera namin.
"Hindi! Sa tingin mo ba gagawin ko 'to kung joke lang?!" sambit niya, "I'm serious. Will you be my boyfriend...to be specific, trip lang na boyfriend? Please..."
I looked at her oddly. Tinaas ko ang aking kilay habang sinusuri ang mukhang despeardang babae sa harap ko.
"May boyfriend ka diba, Baka sabihin nun two-timer ka! Hindi ka ba natatakot sa ginagawa mo?" Tama naman di ba?! Pag sumang-ayon ako, edi maiipit pa ako sa mas malaking gulo! Tsss.
"Break na kami." mahina niyang sinabi.
Nagkaroon ng nakakabinging katahimikan. Napakurap-kurap ako. Hindi ko alam kung anong sunod na gagawin. Dapat ko ba siyang kaawaan o asarin? Dapat bang sumag-ayon ako para mapagaan man lang ang pakiramdam niya o hindi? Hmmm...sino ba ako para kaawan siya kung sa una pa lang ay hindi kami close? So...wala nalang akong gagawin. Bahala siyang magmukmok!
"Ahh..ok." ani ko. "Pero bakit ako napili mo? Kasi dinaig ko ang lahat ng lalaki sa kamandag ko?" patuloy ko at pabirong kumindat, para man lang makalimutan niyang pinag-usapan namin yung...ex(?)-boyfriend niya.
Ngumit may parte rin sa'king nagsasabi na para maasar at mainis ang babae. That way, lubayan niya ako at iba nalang ang ayahin na maging 'trip' niyang boyfriend kamo.
Ngumiwi si Aira, "Kapal! Hindi 'no. Uhm...Bakit kita Napili? Kasi...Wala lang, trip ko lang talaga. Walang basagan ng trip!"
Napasapo ako sa noo. Anong klaseng sagot 'yun? Ngayon lang ata ako nakasaksi ng trip lang na relasyon! Pwes, kung trip mo lang. Then...
Ngumisi ako, ngising kahit sinong babae ay mabubuwal kapag kaharap na nila ako, "Ok...sige" ani ko.
Since nakakapagtaka nga rin naman kung ano ang magiging bunga ng isang trip na relasyon. At since mapilit siyang maging kami, tingnan natin kung hanggang saan itong trip na relasyon.
I'm JD De Leon. I'm known to be a notorious playful prankster. Tingnan nating kung magtatagal sa mga panti-trip ko na ang huli mo nalang maiihiling ay mag-break tayo.
"Ano?! Paki-ulit." Ay...bingi!
"Sabi ko...OK! Wala naman yatang masama" -na pag-tripan ka din!
"Wahh!Thank you!" ani at niyakap ako.
The day passed like blur. Sa lahat ng lessons na diniscuss ay ang nakatatak lamang sa isip ko ay ang pagiging kami ni Aira. I don't know if our relationship is a good thing or a bad thing. Good thing...hindi na ako mai-se-set up ni Kevin sa mga blind dates dahil may 'girlfriend' na ako. Bad thing...hindi na ako single pa! Hays!
Umuwi naman ako sa bahay pagkatapos mag-dismissal. Ngayon lang nagsink-in ang lahat ng nangyari kaninang umaga. I'm starting to doubt my decision. Ewan ko rin kasi kung bakit ako umamin agad-agad! Bahala na nga ang mangyari!
Come to think of it, siya ang pinakauna kong girlfriend.
A girl appeared on my mind. Siya sana ang babaeng magiging una kong girlfriend kung hindi lang kami nagkasalisi sa huli.
Ngayon, may isa na naman akong matinong rason kung bakit tama lang na pumayag ako sa proposal ni Aira. Isa na doon ang ipamukha sa babaeng dati ko ng minahal na hindi siya isang malaking kawalan. Na naka-move na ako.
BINABASA MO ANG
Trip Ko Lang
Teen FictionWala lang, Trip Ko Lang... -makipag-holding hands -halikan siya -sabihan siya ng "I loveyou" -makasama siya At lalong lalo na trip ko lang....maging BOYFRIEND siya. But papaano kung ang pagiging trip na relasyon ay mauuwi sa isang word called LOVE?