Kai's POV
Pauwi na ulit ako sa bahay ko and yes, naglalakad lang ako because walking distance lang naman.
Lakad
Laka
Lak
La
L
"Miss! Look out!!!" Huminto ako para tignan kung sinong miss ang tinawag pero...
*BOINK***
Bigla nalang ako nahilo at nag-dilim ang paligid.
---
Nagising ako at unang nakita ay ang purple ceiling...kwarto ko na ba 'to? Tumingin ako sa side ko and nakita si Aira na ang himbing ng tulog...ginising ko nga."Best! Best! Aira!" Paggi-gising ko Kay Aira
Buti nagising rin though parang tulog na tulog pa ang diwa pero nung nakita ako ay biglang nabuhayan
"Best! Gising ka na! Bale 8hrs. Ka nang tulog kala ko bukas ka PA magigising eh" aniya tapos niyakap ako.
"OA! Bakit? Anyare habang tulog ako?" Tanong ko
"May isang lalaki kasi naka-tama sa'yo ng bola tapos ang alam ko lang na tinawagan ako ni Kevin tapos sabi nawalan ka daw ng Malay. Hindi lang ako sure kung siya ang nagdala sa'yo dito" pagkwe-kwento niya
"Walangya yang nilalang na ng tumama sakin ng bola ah! Masakit Dre," sabi ko at sakto naman na pag-sabi ko ay may pumasok ang 3lalaki- si JD, Kevin at isang lalaki na may putok sa labi. Ano naman nangyari sakanya?
"Anong ginagawa niyo dito?" Pagtataray ko
"Buti naman gising ka na. Kasama namin itong lalaking naka-tama sa'yo ng bola...hoy Jelo, mag-sorry ka na" seryosong sabi ni Kevin
Lumapit naman yung isang gwapo este yung naka-tama sakin ng bola. Ano ba tong pinagsasabi ko sa sarili ko?!
"Ahhhh....hi miss, sorry nga pala na natamaan kita ng bola. Hindi ko sinasadya" aniya habang kumakamot-kamot pa sa batok
"Wala yun hahaha...Hindi naman ako nagka-amnesia eh hehehe" ba't ganito? Dapat nagagalit na ako sa nilalang na kaharap ko dahil tinamaan niya ako ng bola pero parang nawala ako sa sarili ko ng sinasabi ang words ko...Seriously, what's happening right now? Parang ninenerbyos at pinagpapawisan ako?
"So pano ba, friends?" Nalahad niya ang kamay niya so as initial reaction, nakipag-kamay rin ako at nagsabing "friends"
And Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa katawan ko basta feeling ko may dumaloy na something na kuryente at nung mag-intertwine ang kamay namin bigla akong napaso.
Our hands are still intertwined for like, 2 mins. Pero naputol ng mag-salita ang mokong na manyakis aka Kevin
"Hoy, tama na yan! Chuma-tsansing ka na bro!" Kaya natauhan ako at una nang bumitaw sa pagkamayan namin
"Ako nga pala Jelo, nice meeting you....Kai? Nga pala, Kain tayo sa labas this coming Saturday as peace offering" sabi niya at umalis kasama sila JD at Kevin.
"Sure, I'll take note of that" sabi ko sabay todo ngiti hanggang umabit tenga. Nakakataba ng puso eh, 1st time may umaya sakin nag-date! Sinong hindi mae-excite?! Teka, date nga ba talaga?
"Bye Kai...bye Aira! Tomorrow is another vengeance week hahaha---aray! Bye na nga talaga!" Pamama-alam ni JD na nakahawak sa noo, pano binato ni Aira yung maliit na notebook na nasa tabi niya.
Hinintay Kong mamaalam si Kevin pero sumarado na ang pinto't lahat...Hindi siya nag-sabi man lang 'bye'....ba't ganun sya umasta ngayon...Hindi man lang ako inasar, binanatan ng corny or dirty jokes, Hindi man lang umimik kanina at parang ang seryoso niya ngayon...hayyy ko nga ba siya iniisip...masyado bang halata na disappointed at-----
"Huyyy! Tulala ka na dyan. Sino iniisip mo? Si Jelo ba at ang upcoming date nyo?! O to the M to the G! Akong kinikilig eh!!!" Tama....dapat ang isipin ko ay si Jelo ngayon.
Si Jelo na gwapo, matipuno, mabait pero maangas tingnan. Si Jelo na katabi ng salitang PERFECT. Hella heart eyes for him! Wait, what?!
"Huuyyy! Tulala ka nanaman! Hello? Nandito pa ako at next Saturday pa ang date niyo!" sabi ni Aira
"Alam Kong andyan ka pa...duh? Atsaka, Hindi naman date yung sabi nung Jelo, LALABAS lang kami as peace offering niya. Nothing more, nothing less. And kung date nga talaga yun...Edi FRIENDLY DATE LANG" ouch ang sakit palang ipagdiinan sa sarili mo na Friend ka lang niya. Teka nga, parang napapansin ko sa monologue na'to lagi Kong binabanggit at pinupuri si Jelo. Parang Hindi ako ang Kyra Valdez na kilala ng lahat na mataray, nang-aasar lagi at intimidating kung tingnan. Pero sa pinapakita ko ngayon parang bumait(ewwww) at wala sa mood makipag-away. Arrrgh
Nabalik ako sa huwisyo ng ma-feel ko na may dumamping kamay sa noo...oo nga pala, andito pa si Aira. See? Tapos ngayon parang lagi akong naka-space out
"Hindi ka naman mainit ah pero namumula ka tsaka kanina ka PA umiiling kahit Hindi naman yes or no ang tanong ko. Siguro naka-space out ka ngayon?" Oh no, mukha ba akong halata na iniisip ko Jelo.
"Bes...parang ganun na nga. Yung tipo bang stuck siya sa isip at kahit pinipilit mo siya alisin...ang hirap talaga...ano ba nangyayari sakin chaka Kong best friend?" Seryoso Kong sabi
Magsasalita na sana siya ng bilang mag-ring ang phone ni Aira.
"Hello?....opo ma, nandito ako kila Kai...opo...nandito na?....ah sige po...k...hahaha jk lang ma hahaha...sige po bye!" Tapos binaba niya na ang phone
"Sabi ni mama na nandito na raw yung service namin para sunduin ako...so pano, aalis na ako...bye!" Aniya tapos niyakap ako.
Pero before niya masara ang pibto ng kwarto ko may sinabi pa siya....
"BTW...sa tanong mo kanina, I think....you're falling in love" pahabol niya tapos ang loka kinidatan pa ako.Nang sumara ulit ang pinto ay padabog na humiga ulit ako...
Baka Hindi naman ako in-love...maybe, just an infatuation?
Argh! Para ko narin sinira ang pangako ko sa sarili ko na mai-inlove or magkaka-boyfriend ako after college life. Patapos narin naman ako ng college...1 school year na ako, ga-graduate na
Ba't ba kasi Hindi na nakahintay ang pesteng heart ko after college...yung totoo, may tanan na ba ako sa buhay at urgent na kelangan ko magka-experience ng lovelife, ganern?!
Pinikit ko ang mga mata ko at nakita ulit si Jelo with his charming smile...
I don't want to believe
But could it be?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
...that I'm falling inlove?----
Sorry kung napatagal ang UD and sabaw pa😁✌️...and btw, papalitan ko na ang schedule ng pagu-update ko since minsan hindi nakikisabay ang free time ko pag-Wednesday this summer. Next week ulit!(pero di ko alam kung anong day)-Krystal❤️
BINABASA MO ANG
Trip Ko Lang
Teen FictionWala lang, Trip Ko Lang... -makipag-holding hands -halikan siya -sabihan siya ng "I loveyou" -makasama siya At lalong lalo na trip ko lang....maging BOYFRIEND siya. But papaano kung ang pagiging trip na relasyon ay mauuwi sa isang word called LOVE?