Trip Ko Lang(9)

21 1 0
                                    

Humanda ka lang Aira!!!

3 days...3 days, Hindi ko siya nakita lalo na sa mga subjects na magka-klase kami kaya parang ang boring ng beautiful life mo hayys. Kaya nga ngayon Friday ay another beautiful day para pumasok sa school.

"Good Morning President!"

"Hi, Aira...may meeting daw tayo mamaya"

"Have a nice day"

Sari-saring tao na ang nakita ko pero hanggang ngayon, parang wala pa talagang plano magpa-kita ang JD na yun...what is he up to now?

Pumasok na ako sa classroom na gaganapin ang 1st subject ko(at kung saan rin na kaklase ko si JD).

Maya-maya ay saktong pagpasok ng Prof. Namin ay pumasok rin ang taong Hindi nagpakita saakin for 3 days. The whole period ay wala kaming kibuan though gusto ko siyang kausapin, mas gusto ko siya ang unang mag-make ng move. Medyo nakaka-dismaya dahil natapos na ang 3 hrs. Period namin pero wala parin siyang sinasabi.

Nagliligpit na ako ng gamit ng biglang...

"Humanda ka na mamaya..." Natulala ako ki JD na naglalakad na palayo sa pwesto ko.

Tila parang bigla akong kinabahan sa mangyayari mamaya...connected ba 'to sa pinost ko na picture niya? Kaliit na bagay kelangan pa bang bigyan ng revenge? Aish!

Time passed like seconds. Tapos na lahat ng subjects ko and naka-attend na rin ako ng meeting lahat-lahat kaya maaga ako ngayon uuwi.

Naglalakad na ako papuntang main gate ng may tumawag sakin sa taas

"AIRA!" tumingin ako sa taas kung saan nanggaling ang boses pero kung minamalas ka nga naman...isang wrong move ang pag-tingala, argh!

Paano ba naman kasi,sino bang tao ang Hindi magagalit eh pina-ulanan lang naman ako ng I think juice(may pagka-malagkit kasi yung liquid) mula sa taas. Tumingin ulit ako sa taas at naaninag ko punyemas na lalaki na pinaliguan ako ng maligkit na ewa...wala naman iba kundi si JD na naka-ngisi pa talaga.

Tumingin ako sa paligid at buti nga ay kokonti nalang ang tao, binaling ko nalang ulit ang pansin ko sa taas kung saan nandon si JD kasama ang kanyang best friend si Kevin.

"Hyp ka JD! Magtu-tuos tayong dalawa! ARGH!" Sabi ko sabay walk-out at buti na nga lang andun na ang service ko.

Bwiset talaga yan, kaya pala kinabahan na ako nung una palang dahil meron talagang pasabog yung lalake!

Nakarating tuloy ako ng bahay na basang-basa at malagkit...in short, MUKHANG DUGYOT!

Futek talaga kaya ayun, tumagal akong mahigit 2 hrs. sa banyo. OA man pero totoo talagang tumagal ako ng mahigit 2 hrs.

"Azar talaga yung buiset na yun! Ihhhh matawagan nga si Kai para damayan ako" dinail ko ang CP no. Nya at tinawagan para pumunta dito. Buti nga pumayag kasi kung hindi!, F.O. na kami hahaaha syempre joke lang! Para narin namin sinayang ang 6 years of friendship namin >.<

Wala pang 15 mins. Ay nakarating rin ang maldita.

"Ba't urgent yata ang tawag mo. Mabuti nga Saturday bukas kaya mahabang bonding!!!" Pagtitili niya. Nakisabay na rin ako.

Grabe! For 1 month, naka-survive ako na wala si Kai sa tabi ko! Wew, accomplishment! Pumunta kasi siya sa Canada kung saan ginanap ang International Math and Science Quiz Bee. Ang taray ni bestfriend diba?! May konting katalinuhan parin pala kahit kalog na. Oha! Konti nalang species ni gaga kaya mag-saya ka kung may bestfriend ka na matalino na kalog at baliw pa ;)

"Bestfriend Kong Chaka! Musta na? Marami kang dapat ikwento lalo na sa relasyon nyo JD. Gagang to, di man lang tumawag noon para i-update ako! Tara na nga sa kwarto mo para simulan ang....SLEEPOVER! wooooo!" sabi ng lokaret kaya wala na akong nagawa kundi sundan siya papunta ng kwarto ko.

Trip Ko LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon